Moonlight GL

Moonlight GL

Share

18/04/2026

Chapter 19
POV ni Zaria
Pagkatapos ng mahabang oras sa kusina, diretso na akong umakyat sa kwarto ko.

Pagod ang katawan ko, pero hindi puwedeng magpahinga lang. May mga kailangan pa akong aralin.

Umupo ako sa k**a, kinuha ang notebook, at sinubukang mag-focus.

Napabuntong-hininga ako.

“Peace,” bulong ko.

Hindi ko namalayan… nakatulog pala ako.
Nagising ako Madilim na.

Hinila ko ang cellphone ko sa gilid at tiningnan ang oras.
8:03 PM.

“Shoot.”

Napaupo ako agad. Hindi pa ako kumakain.
Mabilis akong bumangon at inayos ang sarili. Kahit papaano, inayos ko ang buhok ko bago bumaba.
Pagdating ko sa sala—Napatigil ako.
Nandoon si Leona.

Nakatayo sa harap ng malaking family portrait ng mga Nocturne.

Pero ang tingin niya… hindi normal.
Parang may sinusukat. Parang may binabasa sa loob ng larawan. Napairap ako.

“May sira talaga sa utak,” bulong ko, sapat lang para ako ang makarinig.

Pero bago pa ako tuluyang makalampas—
napansin ko May kausap siya sa cellphone.

Mahina ang boses, pero sapat para marinig ko.

“…nakapasok na ako…”

Napahinto ang paa ko.

“…sa mundo ng Nocturne…”

Bahagyang kumunot ang noo ko.

“…magsisimula na ang lahat.”

Napatingin ako sa kanya.
Pero agad kong inalis ang tingin ko.
Hindi ko problema ’yon. Hindi ko kailangang makialam.
Hindi ako dapat makialam. Napailing ako.

“Hindi ko na problema ’yan,” bulong ko sa sarili ko.

At dumiretso ako sa kusina.

Kumuha ako ng pagkain. Tahimik lang habang kumakain.
Sinubukan kong kalimutan ang narinig ko.

“Zaria?"

Napahinto ako sa pagsubo.

Dahan-dahan akong tumingin. Nakatayo siya sa pintuan ng kusina.Nakatitig sa’kin.

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya.

Tumaas ang kilay ko.

“Bakit?” sagot ko agad. “Anong pakialam mo?”

Hindi siya agad sumagot. Tinitigan lang niya ako.

“May narinig ka ba?” tanong niya, mas mababa ang boses.

Napangisi ako ng kaunti.

“Tingin mo ba,” sabi ko, dahan-dahan, “mag-aaksaya ako ng oras para makinig sa usapan mo?”

Diretso ang tingin ko sa kanya.

“Eh kausapin ka nga lang, malaking abala na.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Tumayo ako. At dumaan sa tabi niya bitbit ang plato at tubig ko.
Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko siya pinansin.

“Good night, huwag ka sanang bangungutin,” dagdag ko, walang emosyon.

At tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng kusina.
Pero habang patungo ako sa kwarto ko para doon ituloy ang kain. HIndi ko maiwasang maalala ang narinig ko.

"Magsisimula na ang lahat."

Napakunot ang noo ko.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun.

Maaga na naman akong nagising.
Parang naging routine ko na talaga ’to—kahit weekend, kahit puyat, automatic na ang katawan ko.

Tahimik pa ang buong mansyon.
Sumilip ako sa orasan.

5:32 AM.
Bumaba agad ako papuntang kusina. Ako muna ulit ang nauna—wala pa ang ibang maids. Alam ko naman na alas-siyete pa sila papasok dahil wala naman dito ang mga amo.
Pero hindi ibig sabihin nun… pababayaan ko na. Kinuha ko ang mga ingredients at nagsimula.
Prinitong itlog.
Sinangag.
May konting hotdog. Saglit akong napahinto.
Napatingin sa isang baso. Napabuntong-hininga ako.

“Hindi naman ako ganun kasama,” bulong ko.

Dinagdagan ko ang ihahain. Para sa tatlo.
Kahit… ayoko. Pagkatapos kong magluto, inayos ko na rin ang mga gamit.

Sa gabi pa lang, nakahanda na ang uniform ng kambal. Plantsado. Malinis. Pati mga gamit nila—nakaayos na.

Hindi na ako nahihirapan hulaan kung anong gagawin.
Bandang alas-sais— isa-isa silang pumasok sa kusina.
Halos sabay-sabay.

Hindi ko sila pinansin. Inilapag ko lang ang pagkain sa mesa.
Tapos kinuha ko ang sarili kong plato at dinala sa maliit na mesa sa gilid.

As usual.Doon ako. Hindi sa malaking mesa.
Hindi kasama nila. Tahimik akong nagsimulang kumain.

“Ano ’to?” boses ni Leona.

“Ano problema?” tanong ni Elyra.

“Ganito ba talaga pagkain niyo?” may halong reklamo sa tono niya.

Napairap ako.

Hindi ko na hinintay na tumuloy pa siya.

“Sa mansyon na ’to,” sabi ko, diretso kahit hindi ko siya tinitingnan,

“bawal ang maarte, at may sinusunod kaming meal chart para sa mga Nocturne.”

“Kainin kung ano ang naihanda,” dagdag ko. “Walang special order.”

Napatingin sila sa’kin.

Lalo na si Leona.

“Ano bang—”

“Zaria,” singit ni Elyra, medyo mahinahon. “Relax.”

Huminga siya nang malalim.

“Sorry,” sabi niya kay Leona. “Ganyan talaga dito.
Nakasanayan na.”

“Tinuro sa’min ng parents namin,” dagdag pa niya.
Napahinto ako.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsara ko.

Tumingin ako sa kanya.

“Hindi ka dapat nagsosorry,” sabi ko, diretso.

Natahimik si Elyra.

“At hindi mo kailangang i-explain,” dagdag ko.
Lumipat ang tingin ko kay Leona.

“Siya ang bisita,” sabi ko. “Siya ang dapat marunong mag-adjust.”

Si Aurelia… tahimik lang pero napansin ko—bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

Halatang hindi sanay na kinokontra si Leona.
Napangisi ako ng kaunti. Binalik ko ang tingin ko sa pagkain ko. At nagpatuloy na parang walang nangyari.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Manila