The Standard - Multimedia Cluster

The Standard - Multimedia Cluster

Share

Photos from Arellano University (Official)'s post 20/04/2026
01/04/2026

APRILS’ REMINDER⚠️

Keep the jokes fun but harmless. THINK before you PRANK—be sensitive, not offensive. 💛💙

As we celebrate April Fools' Day, let’s be mindful of the jokes we make.

Not everything should be turned into a prank—especially fake emergencies, death or serious illness, someone’s trauma, personal insecurities, coming out, pregnancy or fertility, and safety or security threats.

These are real, sensitive, and deeply personal matters that can cause fear, pain, or lasting impact.

Pause before you prank. Think before you act.

Let’s keep the fun without crossing the line—be a responsible chief. 💛

Text by Precious Clavecilla
Poster by Jade Luise Bernales

27/03/2026

The Creatives presents... 𝗣𝗵𝗼𝘁𝗼𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆!🖼️

A series of photograph where we showcase the magic hidden in plain sight. Every Friday, our Photographers turn moment into stories, light into mood, and perspective into art.

𝘚𝘦𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺, 𝘰𝘯𝘦 𝘧𝘳𝘢𝘮𝘦 𝘢𝘵 𝘢 𝘵𝘪𝘮𝘦!✨

26/03/2026

𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡 | 𝗠𝗮𝗺𝗮 𝗺𝗼

Sa kanto ng Barangay Libis, dalawa lamang ang umiiral: mga tuhod ang ginagamit sa pagkapanalo, at walang pinalalampas ang kalsadang ito sa mga asar-talo.

Ngunit para sa batang ako, mahirap. Mahirap tiisin ang pagpigil sa mga tanikala mula sa mga bibig ng aking mga kalaro, kahit alam kong walang ibang iiral sa kanilang mga salita kundi pawang mga biro.

Tirik ang araw, at ang tunog ng mga paang padyak nang padyak sa sahig ang nananaig sa laro—ngayon lamang ulit ako nakalaro ng patintero. “Hoy, bilisan mo takbo mo! Mama mo lumpo!” sigaw ng isang kalaro sa kabilang panig. Wala pang ilang segundo ang nagdaan, namuo na ang mga tawa ng aking mga kalaro sa aking paligid, dagdag pa ang init ng panahong pumapaso sa balat.

Ngunit imbis na magalit at sumagot pabalik, inisip ko na lamang ang payo ni Mama na huwag nang makipag-away. Hindi napigilan ng aking mga kamao na humigpit at magpakita ng galit. “Ahhh, banas! Mananapak na ’yan! Mananapak na ’yan—mama mo duwag!” dagdag pa niya nang makita ang ekspresyon ng aking mga kamay. Sa puntong ito, purong galit na ang aking nararamdaman.

Napaisip na lang din ako, “𝘔𝘢, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 ’𝘵𝘰, 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘯𝘴𝘶𝘭𝘵𝘰 𝘴𝘢 ’𝘺𝘰?”

Pero hindi nila kilala si Mama—ang bilis ng kaniyang takbo tuwing ako’y nadidisgrasya o nasa peligro, ang lakas ng kaniyang katawan sa pagbuhat ng mga plastik na puno ng mga pagkain galing sa pamamalengke. Iilan lamang iyon sa mga rason kung bakit walang katuturan ang mga sinasabi nila tungkol sa kaniya.

Napatingin na lang ako sa dulo ng kanto, kung saan makikita ang aking ina na nagpiprito ng isda. “Oh, tingnan mo—anong duwag? Baka kung kayo ang natatalansikan ng mantika, mangiyak-ngiyak na kayo.” Natatawa na lamang ako sa aking sarili—naisip ko pala iyon nang may seryosong mukha?

Lumaki akong palaging naririnig ang insultong “mama mo,” kahit hindi sa akin pinararating. At ngayon, sa bawat pagdapo nito sa tainga ko, hindi na kailanman ito insulto sa ngalan ni Mama, kundi isang titulong paalala ng katatagan na kaniyang dala-dala.

isinulat ni 𝗝𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


2600 Legarda Street Sampaloc
Manila
1008