Youth Emancipation Core
07/12/2023
RECAP | Solidarity Forum 🇵🇸
"From the river to the see, Palestine will be free!"
Youth Emancipation Core recently concluded its first online event, "Solidarity Forum with the People of People." Let us recall some of the most worth-remembering remarks from our valuable speakers in their talks about Palestine and what we could do as FIlipino youth leaders.
25/02/2022
Kabataan, sariwain ang diwa ng EDSA!
Sinasariwa natin ngayong araw ang ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Uprising, kung saan napatalsik ng taumbayan ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Sa ating pagtanaw sa kasaysayan, mahalagang pagpugayan natin ang sakripisyo ng mga kabataan, mamamahayag, mga taong simbahan, at mamayan na nagbuwis ng buhay para manumbalik ang kapayapaan sa gitna ng madugong Batas Militar. Makatarungan na hindi natin makalimutan ang isa sa pinakamasalimuot na yugto ng ating kasaysayan na pilit ibinabaon ng iilang sakim sa kapagyarihan.
Sa kasalukyan, nagbabantang manumbalik sa kapangyarihan ang mga Marcos sa pagtakbo ng anak ng Diktador na si Fedinand “BongBong” Marcos Jr. Lingid sa kaalaman ng nakararami, parehas silang sinungaling at magnanakaw ng kanyang ama, na pinatutunayan ng mga korte at ng kasaysayan. Pero mula sa Facebook hanggang sa Tiktok, tampok ang mga “Fake News” na pinapakalat ng kaniyang kampo na pilit binabaluktot ang kasaysan.
Bilang mga kabataan, hinahamon tayo ng panahon upang mamulat sa kahit anong kasinungalingan at pagnanakaw ng mga Marcos sa ating mga karapatan. Panahon na para kumilos at pigilan ang tuluyang panunumbalik ng mga Mascos sa kapangyarihan dahil buhay, karapatan, at kinabukasan natin ang nakasalalay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Manila