Brethren Community
27/05/2025
Pls! Share mga kapatid
Justice kay kapatid LYZIEL JOY ABOGADE♥️🙏😭🇮🇹
Labis na nagdadalamhati ang pamilya at malalapit na kaibigan ng 19-anyos na dalaga na si Lyziel Joy Abogade matapos itong matagpuang patay sa isang bakanteng lote.
Isang nursing student ang biktima at matayog ang pangarap nito para sa kanyang pamilya.
Nakagapos at nakadapa ang biktima nang makita ng isang construction worker sa bakanteng lote malapit sa ginagawang kalsada.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na pinupokpok ng matigas na bagay ang biktima sa mukha. Nakitaan din ito ng sugat sa noo.
Huling nakitang buhay ang biktima noong lumabas ito sa boarding house para sana magsamba. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Isasailalim din sa autopsy ang bangkay ng dalaga para malaman kung ginahasa rin ito.
Sa ngayon, umaasa ang mga nagmamahal kay Lyziel na makakamit nito ang hustisya. Nangyari ito sa Santiago City, Isabela anong ng yari sayo kapatid kawawa naman 😭😭
Mga Kabataang Iglesia Ni Cristo
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila
1000