Soledad de Manila PPCRV
16/05/2022
Mga Hebreo 6:10
"Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos."
Mula sa pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng Nuestra SeƱora dela Soledad Parish, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumugon sa tawag ng paglilingkod sa simbahan at sa bayan bilang isang PPCRV Volunteer. Isang napakahalagang gampanin ang ating ginampanan sa nagdaang eleksyon bilang isang volunteer. Ang pag-aalay ng inyong sarili sa pamamagitan ng inyong oras, lakas, at pawis ay hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay. Sa tulong ng bawat isa ay naging matagumpay ang ating nasyonal at lokal na halalan ngayong taon. Nasiguro natin ang kalinisan, kapayapaan, at katapatan ng halalan sa bawat presintong ating binabantayan sa abot ng ating makakaya.
Narito ang mga kuhang larawan sa nagdaang nasyonal at lokal na halalan noong May 9, 2022.
Mabuhay ang mga pusong naglilingkod, mabuhay ang mga PPCRV Volunteers ngayong taon!
08/05/2022
Sa ating pag hahanda para sa araw ng eleksyon, tayo ay itinatalaga para sa banal na gawain ng PPCRV. Ang mag bantay para sa Diyos at Bayan. Ipanalangin po natin ang isang malinis at tahimik na halalan, at isang gobyerno maka Diyos at maka Bayan!!
07/05/2022
Sa paglapit ng araw ng halalan, ang ating mga volunteer pollwatchers ng PPCRV ay nag ikot sa mga lugar na nasasakupan ng parokya dala dala ang mensahe ng pag pili ng mabuting lider. Para sa kabataan at kinabukasan, hiling namin na iboto ang mga lider na Makabayan, MakaDiyos, Makatao, Malinis at walang bahid ng korapsyon. Pakinggan natin ang hiling ng ating mga kabataan, buksan natin ang atig mga puso para sa salita ng Diyos.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
A. Velasquez Cor. Camba Sts. San Nicolas
Manila
1010