Bisig Journal

Bisig Journal

Share

07/07/2025

Notice: Temporary Unavailability of the Open Journal System (OJS) for PUP BISIG Journal

We would like to inform all stakeholders that the Open Journal System (OJS) of the PUP BISIG Journal is currently undergoing technical maintenance and will be temporarily inaccessible until further notice. We assure you that the processing of submitted manuscripts will recommence once the system is fully operational. The university's technical team is actively working to restore access to the PKP Online Platform at the earliest opportunity.

For any inquiries or concerns, please feel free to contact us via email at [email protected].
We appreciate your understanding and continued support.

05/05/2025

CALL FOR PAPERS SA BISIG 2025

Ang BISIG ay bilingual na refereed journal na nagtatampok ng mga artikulo o papel pananaliksik hinggil sa kalagayan ng paggawa, anakpawis at kanilang mga pagawaan at komunidad. Ito ay taunang inilalabas ng PUP at pangunahing nagtatampok ng mga pag-aaral sa mga isyu at usaping iniluluwal ng relasyong pang-industriya at panlipunan. Karaniwang nakatuon ang mga paksa sa mga usapin tulad ng unyon at unyonismo, neoliberal na globalisasyon, kilusang manggagawa, kalagayan ng mga anakpawis at iba’t ibang saray nito, kalagayan ng mga industriya, at iba pang katulad. Maaaring ang paksa ay tumatawid o naghuhugpong sa mga disiplina tulad ng kasaysayan, sosyolohiya, politika, ekonomiya, sikolohiya, pagpapaunlad sa pamayanan at lipunan, wika, sining, kultura, kasarian, kababaihan, diaspora, agham, teknolohiya at iba pa tungo sa paglapit na multi/interdisiplinaryo. Tumatanggap din ng mga kontribusyon sa anyo ng rebyu ng aklat, komentaryo, transkrip ng talakayan, at mga akdang pampanitikan, basta nakatuon ito sa mga nabanggit na paksa.

Layunin ng BISIG na maipagpatuloy at higit pang maisulong ang mga nasimulang adhikain ng intelektuwal at makabayang edukador na si Dr. Nemesio Prudente, sa pamamagitan ng mga akdang dumadalumat sa mga penomenang may kaugnayan sa paggawa at panlipunan tungo sa maunlad, malaya at mapayapang Pilipinas.

Kahingian sa Pagpapasa ng Artikulo

Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o dyornal ang mga artikulo, elektroniko man o limbag na anyo. Dumadaan sa prosesong double-blind peer review ang mga isusumiteng artikulo na nakaayon sa mga sumusunod na kahingian:
1. Ilakip ang mga sumusunod na pagkakakilanlan ng awtor sa manuskrito:
1.1. Pangalan
1.2. Organisasyon/Institusyong kinabibilangan
1.3. E-mail Address

2. Naka-encode o kompyuterisado (MS Word doc.), doble-espasyo at gumagamit ng font na Arial na 12 ang puntos na binubuo ng 6,000-9,000 na salita na kasama ang abstrak at mga sanggunian. Para sa rebyu ng aklat at komentaryo, binubuo dapat ang artikulo ng hindi lalagpas sa 4,000 na salita.
3. May lakip na abstrak na nakasulat sa wikang Filipino at Ingles na may 200-300 na salita at susing salita na hindi lalagpas sa lima.
4. Nakaayon ang dokumentasyon sa estilong APA 7th edition.
5. Maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles ang artikulo at kung sakaling nasa ibang wika, marapat na isalin ito sa Filipino o Ingles at tanging ang salin ang ilalathala.
6. Ang ipapasang artikulo ay maaaring bahagi ng tesis, disertasyon, mga tala, rebyu ng aklat, komentaryo o papel na natalakay sa seminar o kumperensiya, at iba pang katulad.
7. Kung salin ng naisulat na artikulo o pananaliksik na naunang nailathala sa ibang dyornal, nararapat na maglakip ng katunayan na pinahihintulutang muling mailathala ito sa Bisig.
8. Maaaring lakipan ng biswal na materyal gaya ng orihinal na kuhang-larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa at iba pang katulad. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
9. Para sa akdang pampanitikan, tumatanggap ang patnugutan ng tula (isang mahabang tula o 3 – 5 na koleksyon), katha (1 maikling kuwento; 2 – 5 dagli), at malikhaing sanaysay (1 personal na sanaysay o memoir). Isasailalim din ito sa proseso ng double-blind peer review.
10. Kalakip ng isusumiteng kontribusyon ang hindi lalagpas sa sampung pangungusap na bionote o tungkol sa awtor.

Maaaring isumite ang kontribusyon sa:
https://publishing.pup.edu.ph/ojs/index.php/BSG/about/submissions .

Tumatanggap ang BISIG ng mga kontribusyon sa buong taon. Kung may paglilinaw o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Managing Editor ng BISIG na si Assoc. Prof. Prestoline S. Suyat mula sa tanggapan ng Research Publication Office, Rm. 425, South Wing, Main Academic Bldg., Polytechnic University of the Philippines A. Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.

14/03/2025

Bagong isyu ng Bisig Journal!

Natatanging Isyu sa Pangmatagalang Kapayapaang Nakabatay sa Katarungan

Pasasalamat ang ipinaaabot sa iskolar na si Dr. Michael Pante na nagsilbing Panauhing Punong Editor, at sa Scholars for Peace na naging katuwang sa pagbuo ng mga kontribusyon sa natatanging isyu na ito na makabuluhang ambag sa larangan ng araling pangkapayapaan o peace studies at araling anakpawis.

Maaaring mabasa ang mga artikulo na:

1. Praxis ng rebeldeng pamamahala ng Kilusang Pambansa-Demokratiko at Posibilidad ng Muling Pagbubukas ng Usapang Pangkapayapaan
Angelo Vince S. Marfil

2. EDCA as the Geopolitics of Imperialist Crises and its Threat to Peace in the Philippines
Gary F. Musa at Nikki G. Santos

3. COMMENTARY: A Just and Sustainable Peace in the Philippines
Sol Iglesias

4. Book review: The Singing Detainee and the Librarian with One Book: Essays on Exile (2023) by Michael Beltran
Mary Grace R. Concepcion

5. PHOTO GALLERY: Peace and Exile
Kim Garcia

6. Interview with Rey Claro Casambre
Rey Casambre

Pagbati sa mga kontribyutor at sa patnugutan ng Bisig!

Maaaring mabasa ang natatanging isyu sa https://publishing.pup.edu.ph/ojs/index.php/BSG/issue/view/65

30/12/2024

GOOD NEWS!

The PUP University Journals are now indexed in Crossref.

All research articles published in 2024 in all our six (6) University Journals will have its unique Digital Object Identifier (DOI).

All articles in previous volumes will also have their own unique DOIs.

Crossref is a DOI registration agency. The list of agencies is available on the International DOI Foundation website. It aims to facilitate the identification of digital objects. It facilitates the links among distributed content hosted at other sites through the use of open metadata and persistent identifiers.

Publish now in our University Journals: Mabini Review, Social Science and Development Review, Education Review, BISIG, Journal of Science and Technology, and Entrada!

The University Journals are facilitated by the Research Publications Office (RPO).

Photos from PUP Research and Extension's post 05/12/2024

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: 𝑷𝑼𝑷 𝒓𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒛𝒆𝒅 𝒂𝒔 𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒐𝒑 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒓𝒊𝒃𝒖𝒕𝒐𝒓𝒔 𝒕𝒐 𝑷𝑯 𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕’𝒔 𝒐𝒏𝒍𝒊𝒏𝒆 𝒓𝒆𝒔𝒆𝒂𝒓𝒄𝒉 𝒓𝒆𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒐𝒓𝒚

𝖳𝗁𝖾 𝖯𝗈𝗅𝗒𝗍𝖾𝖼𝗁𝗇𝗂𝖼 𝖴𝗇𝗂𝗏𝖾𝗋𝗌𝗂𝗍𝗒 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾𝗌 (𝖯𝖴𝖯) 𝗁𝖺𝗌 𝖻𝖾𝖾𝗇 𝗋𝖾𝖼𝗈𝗀𝗇𝗂𝗓𝖾𝖽 𝖺𝗌 𝗈𝗇𝖾 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝗍𝗈𝗉 𝖼𝗈𝗇𝗍𝗋𝗂𝖻𝗎𝗍𝗈𝗋𝗌 𝗍𝗈 𝗍𝗁𝖾 𝖲𝗈𝖼𝗂𝗈𝖾𝖼𝗈𝗇𝗈𝗆𝗂𝖼 𝖱𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁 𝖯𝗈𝗋𝗍𝖺𝗅 𝖿𝗈𝗋 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾𝗌 (𝖲𝖤𝖱𝖯-𝖯), 𝖺 𝖿𝗋𝖾𝖾 𝗈𝗇𝗅𝗂𝗇𝖾 𝗋𝖾𝗉𝗈𝗌𝗂𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗈𝖿 𝗏𝖺𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗉𝗎𝖻𝗅𝗂𝖼𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇𝗌 𝖿𝗋𝗈𝗆 𝖽𝗂𝖿𝖿𝖾𝗋𝖾𝗇𝗍 𝗋𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁 𝗂𝗇𝗌𝗍𝗂𝗍𝗎𝗍𝗂𝗈𝗇𝗌.

𝖱𝖾𝖼𝖾𝗂𝗏𝗂𝗇𝗀 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗅𝖺𝗊𝗎𝖾 𝗈𝖿 𝗋𝖾𝖼𝗈𝗀𝗇𝗂𝗍𝗂𝗈𝗇 𝖺𝗋𝖾 𝖣𝗋. 𝖠𝗇𝗇𝖺 𝖱𝗎𝖻𝗒 𝖯. 𝖦𝖺𝗉𝖺𝗌𝗂𝗇, 𝖵𝗂𝖼𝖾 𝖯𝗋𝖾𝗌𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍 𝖿𝗈𝗋 𝖱𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁, 𝖤𝗑𝗍𝖾𝗇𝗌𝗂𝗈𝗇, 𝖺𝗇𝖽 𝖣𝖾𝗏𝖾𝗅𝗈𝗉𝗆𝖾𝗇𝗍; 𝖣𝗋. 𝖠𝗇𝗀𝖾𝗅𝗂𝗇𝖺 𝖤. 𝖡𝗈𝗋𝗂𝖼𝖺𝗇, 𝖠𝗌𝗌𝗂𝗌𝗍𝖺𝗇𝗍 𝗍𝗈 𝗍𝗁𝖾 𝖵𝗂𝖼𝖾 𝖯𝗋𝖾𝗌𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍 𝖿𝗈𝗋 𝖱𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁, 𝖤𝗑𝗍𝖾𝗇𝗌𝗂𝗈𝗇, 𝖺𝗇𝖽 𝖣𝖾𝗏𝖾𝗅𝗈𝗉𝗆𝖾𝗇𝗍; 𝖺𝗇𝖽 𝖣𝗋. 𝖤𝗆𝖾𝗃𝗂𝖽𝗂𝗈 𝖢. 𝖦𝖾𝗉𝗂𝗅𝖺, 𝖩𝗋., 𝖣𝗂𝗋𝖾𝖼𝗍𝗈𝗋 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖱𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁 𝖯𝗎𝖻𝗅𝗂𝖼𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇𝗌 𝖮𝖿𝖿𝗂𝖼𝖾.

𝖲𝖤𝖱𝖯-𝖯 𝗂𝗌 𝗆𝖺𝗂𝗇𝗍𝖺𝗂𝗇𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾 𝖨𝗇𝗌𝗍𝗂𝗍𝗎𝗍𝖾 𝖿𝗈𝗋 𝖣𝖾𝗏𝖾𝗅𝗈𝗉𝗆𝖾𝗇𝗍 𝖲𝗍𝗎𝖽𝗂𝖾𝗌 (𝖯𝖨𝖣𝖲), 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗂𝗆𝖺𝗋𝗒 𝗉𝗈𝗅𝗂𝖼𝗒 𝗋𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁 𝖺𝗀𝖾𝗇𝖼𝗒 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾 𝗀𝗈𝗏𝖾𝗋𝗇𝗆𝖾𝗇𝗍.

𝖳𝗁𝖾 𝗋𝖾𝖼𝗈𝗀𝗇𝗂𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗐𝖺𝗌 𝗀𝗂𝗏𝖾𝗇 𝖽𝗎𝗋𝗂𝗇𝗀 𝗍𝗁𝖾 𝟤𝟢𝟤𝟦 𝖲𝗈𝖼𝗂𝗈𝖾𝖼𝗈𝗇𝗈𝗆𝗂𝖼 𝖱𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁 𝖯𝗈𝗋𝗍𝖺𝗅 𝖿𝗈𝗋 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾𝗌 (𝖲𝖤𝖱𝖯-𝖯) 𝖭𝖾𝗍𝗐𝗈𝗋𝗄 𝖠𝗇𝗇𝗎𝖺𝗅 𝖲𝗒𝗆𝗉𝗈𝗌𝗂𝗎𝗆 𝖺𝗇𝖽 𝖬𝖾𝖾𝗍𝗂𝗇𝗀, 𝗁𝗈𝗌𝗍𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖲𝗈𝖼𝗂𝗈𝖾𝖼𝗈𝗇𝗈𝗆𝗂𝖼 𝖱𝖾𝗌𝖾𝖺𝗋𝖼𝗁 𝖯𝗈𝗋𝗍𝖺𝗅 𝖿𝗈𝗋 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾𝗌 (𝖲𝖤𝖱𝖯-𝖯), 𝖺𝗇 𝗂𝗇𝗂𝗍𝗂𝖺𝗍𝗂𝗏𝖾 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖯𝗁𝗂𝗅𝗂𝗉𝗉𝗂𝗇𝖾 𝖨𝗇𝗌𝗍𝗂𝗍𝗎𝗍𝖾 𝖥𝗈𝗋 𝖣𝖾𝗏𝖾𝗅𝗈𝗉𝗆𝖾𝗇𝗍 𝖲𝗍𝗎𝖽𝗂𝖾𝗌 (𝖯𝖨𝖣𝖲).

#𝑃𝑈𝑃𝑅𝑒𝑐𝑜𝑔𝑛𝑖𝑡𝑖𝑜𝑛 #𝑆𝐸𝑅𝑃𝑃2024 #𝑅𝑒𝑠𝑒𝑎𝑟𝑐ℎ𝐸𝑥𝑐𝑒𝑙𝑙𝑒𝑛𝑐𝑒 #𝑃ℎ𝑖𝑙𝑖𝑝𝑝𝑖𝑛𝑒𝑅𝑒𝑠𝑒𝑎𝑟𝑐ℎ #𝑃𝑈𝑃𝐴𝑐ℎ𝑖𝑒𝑣𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡𝑠 #𝑆𝑜𝑐𝑖𝑜𝑒𝑐𝑜𝑛𝑜𝑚𝑖𝑐𝑅𝑒𝑠𝑒𝑎𝑟𝑐ℎ

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Polytechnic Univesity Of The
Manila
1016