Tuklas GINTO
Habang ang mundo ay nahuhumaling sa kwento ng nakatagong ginto ng Yamash*ta, ang mga bulok na baril, bala, at helmet na ito ang nagkukuwento ng totoong sinapit ng mga biktima ng Operation Golden Lily.
Hindi ginto ang tunay na iniwan ng digmaan, kundi ang mga bakas ng malagim na nakaraan ng mga Prisoners of War. Sila ang mga saksi sa dilim na bumalot sa ating kasaysayan.
*taGold
07/07/2026
Sa likod ng mga alamat ng Yamash*ta Treasure at ng misteryosong Operation Golden Lily, madalas nating makalimutan ang totoong halaga ng mga nahuhukay na labi.
Ang mga bulok na baril, mga kinakalawang na bala, at nayuping helmet na ito ay hindi lang basta lumang bakal—sila ang mga piping saksi sa malagim at madilim na sinapit ng mga Prisoners of War (POWs). Habang ang marami ay nakatutok sa kinang ng ginto, ipinapaalala ng mga relics na ito ang dugo, pawis, at buhay na isinakripisyo sa ilalim ng lupang ating tinatapakan.
Ang tunay na kasaysayan ay hindi laging maningning; madalas, ito ay may bahid ng luha at pasakit na hindi dapat makalimutan.
*taTreasure *ta
04/07/2026
Claiming it this year!
Sa gabay ng Universe at sa tiyaga ng team, naniniwala kaming ito na ang taon ng pag-ani. Ang dating pangarap at mga marka sa mapa, magiging hawak na ginto na!
Isang malaking CLAIM IT para sa lahat ng mga tunay na hunter dyan!
Ika nga, walang imposible sa taong may tamang determinasyon at tiwala.
*taGold
03/07/2026
ANG MADUGONG LIHIM SA LIKOD NG YAMASH*TA TREASURE 📜
Alam mo ba na ang pinakamalaking presyo na ibinayad para sa maalamat na ginto ni Yamash*ta ay hindi pera, kundi buhay ng tao?
Habang ibinabaon ang mga ginto sa mga tunnels at kuweba, ang mga Prisoners of War (POWs) ang ginawang lakas-paggawa. At nang matapos ang trabaho? Upang walang magsumbong, hinarap nila ang malupit na kamatayan sa dulo ng mga bayoneta, rifle, at mga granadang ipinasabog upang gumuho ang mga lagusan.
Saksi ang kasaysayan: Ang tunay na yaman ay matagal nang nabaon, ngunit ang alaala ng kanilang sakripisyo ay hindi dapat kalimutan.
ano ang pananaw mo sa misteryong ito? Totoo nga kaya o kathang-isip lang ang natitira pang yaman?
I-comment ang iyong opinyon! 👇
*ta
*tagold
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila
1000-1812