Sulong Nutrisyon
Ngayong Health Workers’ Day, binibigyang-pugay natin ang ating mga Nutritionist-Dietitians (RNDs)! 🩺🥦
Sila ang ating mga katuwang sa pagbuo ng mga personalized meal plans at paggabay sa tamang nutrisyon upang masiguro ang kalusugan ng bawat isa. Saludo kami sa inyong dedikasyon sa paglilingkod sa ospital, paaralan, at komunidad!
Saludo ang Sulong Nutrisyon sa lahat ng ating Nutritionist-Dietitians, saan mang larangan sila ngayo'y nagsisilbi! 🥗💪
01/05/2026
Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 🌾💪
Sa bawat pawis at sipag, karapat-dapat ang sapat, ligtas, at masustansyang pagkain sa hapag.
Pagkilala rin sa ating mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor na katuwang sa pagtiyak ng nutrisyon ng bawat Pilipino—mula produksyon hanggang paghahain.
Para sa lakas ng bayan, isulong ang nutrisyon para sa lahat. 🇵🇭
22/03/2026
Strategic Planning 2026 ✨
Ngayong araw ay nagtipon ang Sulong Nutrisyon para ihanay ang direksyon at mga plano para sa taong ito. Isang araw ng makabuluhang diskusyon, iba’t ibang pananaw, at konkretong susunod na hakbang upang mas mapagtibay ang samahan at maisabuhay ang mga proyektong magpapabuti sa kalusugan at nutrisyon ng bawat mamamayang Pilipino.
Bitbit ang malinaw na direksyon at sama-samang paninindigan, kami ay magpapatuloy sa 2026 na nakatuon sa pagpapalakas ng nutrisyon, pagpapaigting ng mga programa, at paghahatid ng mas malusog na kinabukasan para sa lahat. 💗
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Manila
1114
Opening Hours
| Monday | 10am - 5pm |
| Tuesday | 10am - 5pm |
| Wednesday | 10am - 5pm |
| Thursday | 10am - 5pm |
| Friday | 10am - 5pm |
| Saturday | 10am - 5pm |