SAMASA PUP COC

SAMASA PUP COC

Share

03/03/2026

๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐: ๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐€๐†๐€๐ˆ๐๐’๐“ ๐•๐€๐“ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐Ž๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐!

๐˜”๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ง??

Ngayong buwan ng Marso, patuloy nating ipinaglalaban ang karapatan ng kababaihan sa ibaโ€™t ibang aspetoโ€”panlipunan man o pang-ekonomiya.

Ipinapanawagan natin ang pagbabasura ng Value Added Tax (VAT) upang tunay na maranasan ng masa ang agarang ginhawa. Ang VAT ay pabigat sa araw-araw na gastusinโ€”lalo na sa mga nanay at pamilyang hirap pagkasyahin ang limitadong kita.

Sa kabilang banda, patuloy at laganap ang korapsyon at ang pagbibigay ng sobra-sobrang pondo sa militarisasyon, kabilang ang mga pribilehiyong hindi naman napapakinabangan ng karaniwang mamamayan. Habang tayo bilang mga estudyante ay nagbabayad ng buwis sa bawat bilihin at serbisyo, hindi natin lubos na nararamdaman ang makabuluhang balik nito sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, tungkulin nating manindigan para sa kababaihan at sa masang Pilipino.

๐Ÿ“ข Tayo na, bumoses at umindak para sa masa at kababaihan!

Sumama sa pagkilos:
๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—› ๐Ÿฑ, ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š: ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—˜ ๐—”๐—š๐—”๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ง ๐—ฉ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก!

๐Ÿ“Œ10:30am - Assembly @ PUP Lagoon
๐Ÿ“Œ11am - Start of Program
๐Ÿ“Œ11:30am - March to PUP Gate
๐Ÿ“Œ12nn - End of Program

Sumama sa Coordinating GC Link:
https://m.me/j/AbZUhOvZNi_RnpOO/

24/02/2026

MGA KABATAANG ALAGAD NG MIDYA, WALKOUT NA! โœŠ

Sa darating na Pebrero 25, gugunitain muli ang ika-40 na anibersaryo ng Edsa People Power Uprising kung saan makasaysayang nagpatalsik ang sambayanang Pilipino ng isang pasista, mamamatay tao, at diktador sa pagkatao ni Ferdinand Marcos Sr. na nilahukan ng mga kabataan at mga Iskolar ng Bayan mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Hamon sa mga kabataan na isabuhay ang diwa ng Edsa People Power Uprising na kung kinayang magpatalsik ng mga kabataan noon ng isang diktador, kakayanin din ng mga kabataan ngayon na patalsikin at panagutin ang mga katulad ni Marcos Jr. at Sara Duterte kung mapagpasya silang liliban sa klase upang bumuo ng kasaysayan!

Mga kabataang alagad ng midya, patuloy na lumikha ng kasaysayan! Lumabas sa apat na sulok ng klasrum at makipag-aralan kasama ang malawak na hanay ng sambayanan!

COC Community, Walkout Na!

KONDUKTA EDSA@40

08:00 AM - COC Decentralized Protest
09:00 AM - Local Protest at PUP Main
12:00 PM - EDSA Shrine Ortigas

Sumali sa COC Coordinating Group Chat:
https://m.me/j/AbZxJEiY6oKOqULS/

29/11/2025

MULING BABAHA SA LUNETA! โœŠ

Ilang buwan na ang dumaan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanagot ang lahat ng sangkot sa ginawang pagnanakaw ng administrasyong US-Marcos-Duterte kasama ang mga kroni niya sa gobyerno. Hanggang ngayon ay malaya pa rin ang mga politikong gahaman na kumamal ng pondo ng taumbayan.

Sa loob ng ilang taong paghihirap ng mga Iskolar ng Bayan sa loob ng pamantasan dahil sa kulang-kulang na pondo sa sektor ng edukasyon ay malalaman na lamang nila na ang pondong sana ay sasapat sa pangangailangan nila ay binubulsa na pala ng gobyerno. Ano na lamang ang kinabukasan na kakaharapin ng mga Kabataan sa kamay ng mapaniil at magnanakaw na gobyerno.

Hinding-hindi na papalampasin ng mga Kabataan higit lalo ng mga Kabataang Alagad ng Midya ang pagsasawalang bahala sa kasong pagnanakaw ng gobyerno. Hindi hahayaan ng mga ito na hindi managot ang lahat ng sangkot at mapatalsik ang lahat ng mga nakaupong walang ibang nais gawin kundi ang unahin ang mga pansariling interes nito.

Bukas, muli nating babahain ang Luneta at muling magkakaisa upang litisin sa lansangan ang mga korap. Muli nating ibabalik ang kapangyarihan sa kamay ng taumbayan. Sumama sa isasagawang malakihang pagkilos sa Kalaw Avenue hanggang sa Luneta. Ipakita ang lakas ng laksa-laksang kabataang lumalaban.

KONDUKTA:
7:00 AM - Kalaw Ave
9:00 AM - Luneta Park

Dumalo at magpadalo.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Polytechnic University Of The Philippines, Mabini Campus, College Of Communication Bldg. , Anonas Street , NDC Compound, Sta. Mesa
Manila
1016