RizPam-LitMus
25/03/2026
Diocesan Choir of Rizal and Pampanga Vicariate.
25/01/2025
TINGNAN || 01-25-24
Ang Unang pagpupulong ng Komite ng Liturhiya at Musika ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga.
Unang pagpupulong ng Lupon upang mailatag at maiplantsa ang mga gawain at programa sa buong taon upang ang mga ito’y ating mapagtagumpayan.
Para sa pagpapatuloy ng ating mga nasimulan.
PADAYON!
03/08/2024
TINGAN || 08-03-24
Ang pakikibahagi ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga sa pagdiriwang ng ika 122 taong Proklamasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Filipina Indpendiente.
Kaisa ang Korong pang Diyosesis ( Diocesan Choir )
sa ilalim ng komite ng Liturhiya at Musika sa pangunguna ni Rev. Mary Grace E. Masegman bilang convenor ng lupon ay naghandog ng mga awitin sa “Festival of Music” kaisa ang mga kapwa koro mula sa South Central Luzon para pa rin sa isang masaya, natatangi at makasaysayang pagdiriwang ng ating minamahal na simbahan.
Inihandog ang mga sumusunod na awitin:
1. DIYOS NA AMING GABAY
Titik at Musika: Aldeem Yañez
Choral Arrangement: Dionne Mar Josef
2. PURIHIN SI YAHWEH
Titik at Musika:
IFI Diocese of Rizal & Pampanga
Music Camp 3 Delegates
( original composition )
3. Purihin natin ang Panginoon
& Halina't Magsiawit Medley
Titik at musika: Samuel Galutera at Lester Delgado
Arranged by: IFI Diocese of Rizal & Pampanga Music Camp 2 Delegates
Pagpapasalamat sa mga naging tagapagturo Dionne Mar Josef sa mga naging manunugtog Bro. Khevin Ignacio, Bro. Jerome Aposaga, at Bro. Kevin Tiratira. Gayundin sa paggabay ni Dcn. George Perez Jr. at sa Katedral ng Banal na Sanggol kay Msgr. Renato Silvestre Jr. sa inyong mainit na pagtanggap.
Nakapagtanghal ng buong puso at galak.
Nag uumapaw na kasiyahan at ngiti.
Umaalab na naising maglingkod at maging kaisa sa paglilingkod.
Ang Iglesia Filipina Independiente,
Ang simbahang Pilipino, kaisa ang bayan.
Sa kanyang mahaba ngunit makasaysayang paglalakbay.
Maligayang pagdiriwang ng pagiging isang simbahang Pilipino sa kanyang ika 122 taong pagkakatatag.
Mabuhay ang Iglesia Filipina Independiente!
Mabuhay ang simbahang malaya at mapagpalaya✊
Mabuhay ang simbahang Pilipino
PADAYON!
Para sa Diyos at sa kanyang Bayan✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
1500 Taft Ave., Ermita
Manila
1000