CMCES Library
04/02/2026
Kumusta mga bata!
Naalala niyo pa ba ang Ama ng Wikang Pambansa? Sino ba siya?
Ang Agosto ay buwan ng Wikang Pambansa.
Ano ang pambansang Wika ng Pilipinas?
19/10/2024
ππ‘π π ππ π¨π‘ππ‘π πππππ£ππ‘π’ π¦π ππ ππ₯πππ
Alam mo bang ngayong araw, 437 taon na ang nakararaan, naganap ang kauna-unahang dokumentadong pagtapak ng mga Filipino sa Amerika? Ito ang makasaysayang pagdaong nila sa Morro Bay sa California, Estados Unidos lulan ng Nuestra SeΓ±ora de Buena Esperanza (Our Lady of Good Hope) bilang bahagi ng Kalakalang Maynila-Acapulco.
Si Pedro de Unamuno ang naging kapitan ng paglalayag makaraang pumanaw sa Maynila ang unang kapitan nitong si Kapitan Francisco Gali. Mula Maynila, naglayag sina Unamuno, kasama ang ilang sundalo, mga Filipino, at mga Pransiskanong pari kabilang na si Padre Martin Ignacio de Loyola, patungong Macao. Mula Macao, naglayag sila pa-Silangan noong July 12, 1587 patungong Acapulco.
Makalipas ang higit tatlong buwan na paglalayag sa Karagatang Pasipiko, natanaw nila ang isang kalupaan at doo'y tumigil pansamantala upang mangalap ng panggatong, at kumuha ng tubig at makakain. Dito na naganap ang unang pagtapak ng mga Filipino sa Amerika - sa Morro Bay, California.
Dumaong ang grupo nina Unamuno sa Morro Bay at sinimulang maggalugad. Inangkin nila ang kalupaan sa ngalan ng hari ng Espanya. Pagsapit ng October 20, dito nila nakadaupang-palad ang mga native American Indian na naninirahan sa lugar. Kinuha ng mga katutubo ang ilang kasangkapan ng mga manlalayag, at sinubukang bihagin si Padre Loyola. Nagsibalikan sa barko ang mga 'dayo' at dito na nagpalipad ng mga sibat ang mga katutubo. Isang Filipino at Espanyol ang nasawi. Nilisan nina Unamuno ang Morro Bay noong October 21, at narating ang Acapulco, Mexico noong November 22, 1587.
Bilang pag-alala sa kaganapan, idineklara ang buwan ng Oktubre bilang Filipino-American History Month. Isang palatandaan din ang inilagay sa Morro Bay bilang paggunita sa makasaysayang pagtapak ng mga Filipino sa Amerika.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Mandaue City
6014
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |