D' POST

D' POST

Share

11/06/2026

'π“œπ“ͺ𝓹π“ͺ𝓡π“ͺ𝓭 𝓽π“ͺ𝔂𝓸 𝓼π“ͺ 𝓴π“ͺ𝓼π“ͺ𝓻𝓲𝓷𝓡π“ͺ𝓷𝓰 π“ͺ𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓲𝓷π“ͺ𝓽π“ͺ𝓢π“ͺ𝓼π“ͺ 𝓷𝓰π“ͺ𝔂𝓸𝓷'

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang makasaysayang deklarasyon ng ating kalayaan mula sa pananakop ng Espanya noong 1898.

Nawa’y hindi ito malimot ng bawat isa sa atin β€” maging ng bagong usbong na henerasyon. Huwag nating kaliligtaan ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninunong nagbuwis ng buhay para mag-udyok ng kapayapaan at kalayaan.

Hindi ito simpleng selebrasyon lamang β€” ito ay pagtanaw ng malalim na pasasalamat at paghanga sa kanilang legasiyΓ‘; ito ay pagkakataon upang sariwain ang ating kasaysayan; ito ay nagsisilbing isang makabuluhang paraan upang buhayin ang sigla at pagmamahal para sa ating bayan.

Gamit ang ating nagkakaisang tinig, patuloy nating itaguyod, palaguin, at pangalagaan ang ating kalayaan.

Isang mapagpalayang araw, Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­

Via Bernadeth Sambajon, Feature Editor, Kianno Briones, Lay out Artist

Want your business to be the top-listed Media Company in Mandaon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Mandaon
5414