Malvar Rural Health Unit
31/03/2026
📢🐶 Rabies Awareness Campaign 🐱📢
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, matagumpay na naisagawa ang Rabies Awareness Lecture sa ating mga barangay sa pangunguna ng Malvar Rural Health Unit, katuwang ang mga barangay officials, functionaries, at mga responsableng pet owners.
Layunin ng aktibidad na magbahagi ng tamang kaalaman tungkol sa pag-iwas sa rabies, kahalagahan ng pagbabakuna sa mga alagang hayop, wastong pag-aalaga, at ang tamang hakbang na dapat gawin sakaling makagat o makalmot.
Nagbigay rin ng mahalagang kaalaman si Dr. Kierley Villanueva upang higit na mapalawak ang kamalayan ng komunidad tungkol sa rabies prevention at kaligtasan.
📍 Barangay San Andres
🗓 March 24, 2026
📍 Barangay San Pioquinto
🗓 March 27, 2026
Maraming salamat sa suporta ng ating mga Kapitan at sa lahat ng nakiisa sa aktibidad na ito. Sama-sama nating panatilihing ligtas at rabies-free ang ating komunidad!
20/03/2026
📢 PAP SMEAR at VIAA SCREENING | Barangay San Gregorio at San Fernando
Noong March 19, 2026, matagumpay na naisagawa ang Pap Smear at VIAA Screening sa Barangay San Gregorio at San Fernando. Maraming kababaihan ang nakiisa upang masiguro ang kanilang kalusugan at maagapan ang anumang posibleng sakit.
Sa panguDelia Latayan Tagleni Dr. Delia L. Tagle, Counselor on Health, kasama ang mga midwife at nurse ng RHU, patuloy nating inilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.
Lubos ang aming pasasalamat kina Kapitan Virgilio Linga at Kapitan Erwin Labandelo, pati na rin sa mga BHW, barangay officials, at mga residente na nagbigay ng oras at suporta upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Sa simpleng hakbang ng pagpapasuri, malaking ambag ito para sa mas maayos at malusog na pamumuhay. 💜
20/03/2026
📢 PAP SMEAR at VIAA SCREENING | Barangay Bilucao
Ngayon March 18, 2026, matagumpay na isinagawa ang Pap Smear at VIAA Screening sa Barangay Bilucao bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan sa komunidad.
Sa kabuuan, 21 na kababaihan ang nabigyan ng libreng screening upang makatulong sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical cancer.
Pinangunahan ang aktibidad ni Dr. Delia Latayan Tagle Counselor on Health, kasama ang mga midwife at nurse ng RHU na patuloy na nagbibigay-serbisyo para sa kalusugan ng ating mga kababaihan.
Taos-pusong pasasalamat kay Kapitan Wilfredo Mendoza, sa mga BHW, barangay officials, at mga residente ng Barangay Bilucao sa kanilang suporta at pakikiisa sa programang ito.
Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas malusog na komunidad. 💜
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Telephone
Website
Address
Malvar
4233