BPC Community

BPC Community

Share

15/02/2025

Throwback 2013: Ang Tambayan

Noong 2013, dito sa spot na ‘to lagi tayong nagkikita tuwing breaktime. Simpleng tambayan pero sobrang daming alaala—ang tawa, kwentuhan, at syempre, ang pagkain ng tuhog-tuhog at buko juice nila Manong. ‘Yung tipong pantawid-gutom lang pero sapat na para makabawi ng lakas bago bumalik sa klase.

Pero nitong araw na ‘to, hindi lang usok ng prituhan ni Manong ang naramdaman natin—may sunog kasi sa di kalayuan! Mausok, medyo magulo, pero heto pa rin tayo, sabay-sabay sa tambayan, pinapanood ang nangyayari habang tuloy sa pagkain. Iba talaga ‘yung samahan noon—walang makakapigil sa gutom at bonding!

Nakakamiss, ‘di ba? Kung pwede lang balikan ang mga panahong simple lang ang buhay at ang iniisip lang natin ay kung sino ang taya sa susunod na tusok-tusok.

Kayo, anong kwentong tambayan nyo?

Want your business to be the top-listed Media Company in Malolos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Malolos

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 12pm