CSSP BAND

CSSP BAND

Share

11/12/2025

HUSTISYA PARA KAY PIPOY!

Isang napakalaking kawalan para sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ang pagkawala ng pusang si Pipoy.

Isang mahalagang presensya na nagbigay ng saya at ngiti sa mga Rajah. Hindi lamang siya college cat ng CSSP—ngunit bahagi siya ng ating komunidad.

Buong pwersang kinukondena ng Lokal na Konseho ang kawalan ng pananagutan ng sinumang nakabangga kay Pipoy. Ang ganitong kapabayaan ay hindi dapat palampasin. Hindi dapat ipagsawalang-bahala ng komunidad sa anumang anyo ng pananakit, sa sino man na bahagi ng ating pamayanan, tao man o hayop.

Nananawagan kami para sa hustisya, pananagutan, at mas mahigpit na pag-iingat upang hindi na maulit ang ganitong trahedya.

Sa alaala ni Pipoy, ipagpapatuloy natin ang paggiit ng isang kampus na ligtas, mahabagin, at may tunay na malasakit. ✊🐾

Sa mga saksi kaninang 10AM ngayong ika-11 ng Disyembre sa nangyaring aksidente, maaaring makipag-ugnayan sa BulSU Bound Tails o kay Senator Jerolbe Capule.

Para sa mga nakasaksi, tingnan ang post ng BulSU Bound Tails: https://web.facebook.com/bulsuboundtails/posts/122286793802233022

Photos 06/12/2025
Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Malolos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Malolos