BalikHa
23/04/2023
Ang Bilao ay ginagamit na ng mga Pilipino noong sinaunang panahon. Bago pa sakupin ng mga dayuhang Espanyol ang Pilipinas, nagkaroon ng matatag na pakikipagkalakan ang mga Pilipino sa mga Tsino na tumagal ng maraming siglo. 🤝
Isa sa mga produktong kinakalakal ng mga Tsino sa mga Pilipino ay ang bilao. Ang “米漏 BI-LAO ay terminong ginagamit sa lenggwaheng Hokkien na siya namang kinupkop ng Pilipinas bilang BI-LA-O.
Noon ay madalas gamitin ang bilao sa pagtatahip ng bigas, kung saan ang bilao ay nagpapadaling maihiwalay ang dumi na humalo sa bigas, kagaya ng:
🔸️Maliliit na bato
🔸️Palay
🔸️Ipa
Sa pamamagitan ng pataas-baba na galaw sa bilao ay madaling nahihiwalay ang mga ito. 🍚
Ginagamit na rin ang bilao bilang panghanda ng mga pagkain kung may okasyon, tulad ng pansit, palabok, mga kakanin, at iba pa. Makikita rin ang bilao bilang lalagyan ng mga binebentang mga prutas at gulay sa palengke.
Ang bilao ay gawa sa bamboo at ginagawa itong bamboo strips na siyang hinahabi upang makabuo ng produktong bilao.🎍
Sa kabila ng pagsakop ng mga dayuhan sa Pilipinas, ay nagawa pa ring maipasa ng mga ibang pinuno natin ang nakagawiang ito sa mga bagong henerasyon.
Sa pag-usbong ng makabagong kagamitan sa kasalukuyan, ay hindi sana natin malimutan ang mga dating nakasanayan. 📈
Kaya nandito ang BalikHa upang tulungan ka na muling maBalikan ang Likha ng ating bayan!!! 📣
💛🧡🤎
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
University Of Perpetual Help System-Pangasinan, Montemayor Street, Poblacion, Malasiqui Pangasinan
Malasiqui
2421