Ricky Sandoval
13/06/2026
Happy birthday, Jon Cruz!
Nawa’y maging makabuluhan ang araw na ito at magdala ng panibagong lakas, saya, at tagumpay.
Here’s to another year of good health, success, and more meaningful moments ahead.
13/06/2026
Naging makabuluhang araw ng pagkakaibigan at pagkakaisa ang ating nasaksihan sa Charter Anniversary ng Rotary Club of PanChiao sa New Taipei City, Taiwan.
Kasama ang mga Rotarian mula Taiwan at Japan, at ang Rotary Club of Malabon bilang delegasyon mula sa Pilipinas, naging mas espesyal ang pagtitipong ito dahil sa iisang hangaring makapaglingkod sa ating kapwa.
Nagbigay rin ng mensahe ang ating Mayor Jeannie Sandoval, na nagpahayag ng suporta sa mga programang nagpapalakas ng pagtutulungan at ugnayan sa pagitan ng ating mga komunidad.
Taos-puso po ang ating pasasalamat sa mainit na pagtanggap at sa pagkakaibigang patuloy na nabubuo sa pamamagitan ng serbisyo.
12/06/2026
MALIGAYANG DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS!
Ngayong hapon, nakiisa po tayo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Hesus sa Brgy. Tugatog.
Nawa ang diwa ng kapistahang ito ay manatili sa ating mga puso sa paraan ng ating pakikipagkapwa at pagmamalasakit sa bawat isa.
| Para kay Mary Ann, ang edukasyon ng kanyang mga anak ang isa sa kanyang pinakamahalagang prayoridad. Kaya naman school supplies at assistance para sa late registration ng kanyang dalawang anak ang kanyang hiling sa Lucky Kakampi Giveaway Birthday Edition, napapanahon lalo na't magbubukas na ang klase ngayong Lunes.
Munting tulong man, umaasa kaming makapagbibigay ito ng ginhawa sa kanilang paghahanda para sa bagong academic year at makatulong upang maipagpatuloy ng kanyang mga anak ang kanilang pag-aaral nang may mas malaking pag-asa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Dampalit Megadike Bike Trail
Malabon
1480