Humble Virtual Assistant
Signs na Di Ka pa Ready Maging VA 🚫🙅🏻♀️
1️⃣ Hindi mo alam kung saan magsisimula.
Panay comment ka ng “How po?” pero di ka naman seryosong maghanap ng sagot. 🥴
✅ Solusyon: Maging curious at mag-research! Lahat ng sagot nasa YouTube, Google, at freelancing groups. Sumali sa VA communities para makakuha ng tips at motivation. Start small, pero start.
2️⃣ Wala kang specific skills na ma-offer.
✅ Solusyon: Alamin kung anong interest mo at pag-aralan ito. Maraming free resources online! Kung may budget, mag-invest sa online courses para matutunan ang in-demand VA skills.
3️⃣ Di ka tech-savvy o hirap ka sa tools.
✅ Solusyon: Maglaan ng oras para aralin ang mga tools na madalas gamitin ng VA tulad ng Canva, Google Workspace, Microsoft 365, at Zoom. I-download ang free versions at mag-explore!
4️⃣ Wala ka pang equipment.
✅ Solusyon: Mag-invest sa laptop (kahit second-hand muna) at stable internet . Laptop is life sa VA work—di puwedeng cellphone lang.
5️⃣ Natatakot ka sa client interviews.
✅ Solusyon: Mag-practice ng common interview questions. Kahit kabado, show up!Confidence comes with experience. FYI, mas chill ang foreign clients —Pinoy lang ang madalas judgemental. 👀😂
6️⃣ Di mo kaya ang rejection o gusto mo laging i-refer ka lang.
✅ Solusyon: Sa freelancing, effort ang puhunan. Kung ayaw mong mahirapan, mahihirapan kang magtagal. Lahat ng freelancers nare-reject—ang kaibahan, di sila sumusuko. 😉
Ako? 200 plus application ang sinend yung iba no response, 70 times akong nareject bago ko nakuha ang first client! Hanggang ngayon, may mga job posts akong ina-applyan na di ko nakukuha. 😬
Tandaan: Ang tamang client, darating basta tuloy-tuloy ka lang! 💪🏼
And I thank you! Happy Tuesday! 🫶🏻
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Malabon
Opening Hours
| 8am - 5pm |