Kinang

Kinang

Share

20/06/2026

TINGNAN | Hunyo 19: Jose Rizal — Mula sa Binhi sa Lupa, Tungo sa Kalangitan ng Kasaysayan

Pinamana niya sa atin ang walang hanggang pagmamahal sa bayan — José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

Sa pagsapit ng kanyang kaarawan: Hunyo 19, ipinagdiriwang natin ang kahalagahan ng pamana niyang hindi matatawaran. Kahapon, Hunyo 19, 2026, ipinagdiwang natin ang ika-165 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal: ang pambansang bayani na isinilang noong Hunyo 19, 1861 . Hindi lamang ito petsa ng kapanganakan; ito ay pagpupugay sa liwanag na gumising sa diwa ng ating bansa.

Hindi siya agad naging isang bayani, kung babalikan mo ang ibang bahagi ng kanyang kasaysayan, lumaki si “Pepe” bilang pang pito sa labing isang magkakapatid sa kanyang pamilya. Ang kanyang unang paaralan ay ang kanyang tahanan; ang kanyang unang g**o ay ang kanyang Ina na si— Teodora Alonso, ang nagturo sa kanya ng abakada, pagdarasal, at kahalagahan ng katotohanan. Mula sa kanyang amang si Francisco Mercado, natutuhan niya ang kahulugan ng sipag, tiyaga, at paggalang sa kapwa. Mahina ang kanyang pangangatawan noong bata pa, at ayon kay Asuncion Lopez-Bantug, siya ay maingat at may pag-aalinlangan pa sa kanyang sariling itsura. Mayroon siyang malaking ulo, payat at mahinan pangangatawan, at mas maliit kumpara sa ibang mga batang ka-edad niya.

Bitbit ni Rizal ang pagkataong malapit sa puso ng pagiging Pinoy, may pangarap, pagmamahal, damdamin, at kahit pagdududa sa sarili na madaling nakauugnay sa kaluluwa ng isang Pinoy. Ayon sa mga tala ng historyador na si Ambeth Ocampo, noong nag-aral si Rizal sa Europa, ipinakita niya ang pagiging masinop at matipid: madalas siyang kumain ng simpleng pagkain lamang, binubuo ng isang tasang kanin, tsokolate batirol, at sardinas secas (ang terminong Espanyol para sa dried sardines o tuyo).

Si Rizal ang nagpapaalala sa atin na may kakayahan ang bawat Pilipino na maging isang bayani sa kanilang sariling paraan. Dahil bago pa man maging bayani si Rizal, isa rin siyang simpleng tao na may dalang makabayang pagmamahal sa bansa. Habang dumarami ang ating nalalaman tungkol kay Rizal, lalo nating nauunawaan kung gaano siya kalapit sa pagiging isang tunay na Pilipino.

Sa pagkilala natin sa katauhan ni Rizal, masasabing nakakapit na sa kaluluwa niya ang pagiging tunay na Pilipino. Ang kaarawan ni Rizal ay isang simbolo na nagpapaalala ng nasyonalismo para sa atin. Binibigyan tayo nito ng inspirasyon na ang isang ordinaryong Pinoy ay may kakayahang mag-iwan ng tanglaw at pag-asa sa bayan. Dahil sa huli, maisasakatuparan din nating gisingin ang natutulog na Rizal sa diwa ng bawat henerasyon. Mula sa binhi sa lupa, tungo sa kalangitan ng kasaysayan, pluma ang pinakamalakas niyang sandata, at ang pinakamagandang parangal sa kanyang kapanganakan ay ang pagpapatuloy ng kanyang sinimulan.

Sulat ni: Diana O. Corbito
Dibuhista: James P. Cornejo

Photos from Kinang's post 02/06/2026

TINGNAN | PNHS Brigada Eskwela Kick-off Program, Isinagawa

Pormal na inilunsad ng Panghulo National High School ang limang araw na boluntaryong programa ng Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng isang kick-off program na may temang, “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.” Dinaluhan ito ng mga boluntaryo at kawani ng paaralan na nagtipon sa quadrangle ng paaralan noong ika-una ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Nagsimula ang programa sa isang seremonyal na paggupit ng laso, na sinundan ng pambungad na pananalita ni G. Julius D. Jaylo, Punong-G**o ng paaralan, kung saan kinilala niya ang suporta ng bawat indibidwal, na binibigyang-diin na ang inisyatibo ay higit pa sa paglilinis, at naglalayong mag-aruga ng matatalino, mahabagin, at disiplinadong mga mag-aaral.

Bukod pa rito, binigyan ng pagkakataon ang mga stakeholder na magbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral, simula kay Gng. Maryrose Mariano, Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA), na nagpahayag ng kanyang paniniwala sa mga kalahok na ang bawat indibidwal ay may kakayahan at lakas na magdala ng pagbabago, hindi lamang sa edukasyon kundi pati na rin sa estado ng komunidad.

Ipinaabot naman ni G. Michael Balondo, Konsehal ng Barangay Panghulo, ang kanyang pagbati sa mga boluntaryo, na binibigyang-diin ang aktibong pagkakaisa ng mga g**o, magulang, at mga lokal na pinuno bilang mahalaga para sa patuloy na pag-unlad.

Samantala, tiniyak ni G. Esmeraldo Borja, Kapitan ng Barangay Panghulo, sa paaralan ang patuloy na suporta ng lokal na konseho upang matugunan ang mga pangangailangan ng paaralan habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon, habang si G. Kobe Ortega, Chairman ng Sangguniang Kabataan (SK), ay nagpahayag ng suporta sa pamamagitan ng mga donasyon.

Ipinakita rin ng mga estudyante ang pamumuno nang malugod na tinanggap ni Likha Aquino, Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), ang mga boluntaryo at hinimok silang ituring ang Brigada Eskwela bilang tulay para sa tunay na koneksyon sa kampus sa halip na isang aktibidad lamang sa paglilinis.

Bilang pagtatapos ng seremonya, pumirma ang mga panauhing pandangal sa “Commitment Board” na sumisimbolo sa pormal na pangako o panata alinsunod sa pagbibigay ng kanilang oras, kakayahan, o tulong para sa paghahanda at pagpapabuti ng paaralan sa darating na pasukan.

Tagapagbalita: Euleen Kate B. Cumpa
Tagakuha ng Larawan: Yoshicka Aliyah C. Delos Santos

01/05/2026

‎TINGNAN | Saludo at Pasasalamat, mga Manggagawa!

Sa bawat pawis na tumutulo, may mga pangarap na nabubuo.

‎Sa bawat pagod na dinadama, may kinabukasan na nahuhulma.

‎Di alintana ang araw at ulan, patuloy na kumikilos upang umunlad ang ating bayan.

‎Ngayong araw ng mga manggagawa ating bigyan ng saludo ang mga kamay na hindi napapagod, sa mga pusong hindi sumusuko, at sa lakas na patuloy na lumalaban kahit padapain ng pagsubok at kahirapan. Para sa sarili, para sa pamilya at para sa bayan.

Maligayang Araw ng mga Manggagawa!

Kapsyon: Jonna Mae Dogpon
Dibuhista: Jammea Alyna Abad

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Panghulo National High School
Malabon