Ang Pinsel - AP Publications

Ang Pinsel - AP Publications

Share

16/03/2026

Isang makasaysayang tagumpay! 🌟

Matapos ang ilang taon ng pananabik at pagsusumikap, muling nagningning ang pangalan ng Longos National High School sa larangan ng pamamahayag. Ang ating mga mag-aaral na mamamahayag sa NCR Regional Schools Press Conference 2026 ay patunay na ang pangarap, kapag pinaghirapan at pinangalagaan, ay nagbubunga ng tagumpay. ✍️🏆🌟

Marubdob na pagbati sa inyo Bianca Mae E. Andales, fourth placer ng Copyreading and Headline Writing (Filipino), at Mark Glend L. Tempog, fifth placer ng Photojournalism (Filipino) bilang Regional finalists ng RSPC '26.

Hindi lamang ito panalo sa kompetisyon, kundi isang panalo ng puso at diwa ng bawat Longosian na patuloy na naniniwala sa kakayahan ng kabataan. Ang inyong tagumpay ay alaala ng tiyaga, sakripisyo, at muling pagbabalik ng ating paaralan sa entablado ng karangalan.

Salamat sa inspirasyon. Salamat sa pag-asa. Salamat sa tagumpay. Mabuhay kayo at Mabuhay ang Longos National High School! 💖

02/03/2026

BALITANG NCR PALARO | UMAHON ang mga pambato ng Sangay ng Malabon sa unang laban nila, 33-37, sa NCR Palaro 5v5 basketball girls kontra sa Navotas Navigators.

Napigilan ng Longos ang patuloy na pagiging dominante ng Navotas sa mga unang kuwarter matapos tapatan ni Jennica Grasyo at Althea Santos ang kalamangan ng dating kambal na lungsod.

"Dala ng naging solid na depensa ni Grasyo at crucial shot ni Santos, nasulot namin ang unang pagkapanalo," pagbabahagi ni Coach Nestor Ramilo.

Hindi pa man natatapos ang araw nakatakda na agad na harapin ng Malabon ang Las Piñas bukas.

"Ilalaban pa natin ang Malabon sa bracket namin hanggang makalusot ng semis," ani naman ni Coach Jayrald Pesimo.

Via | Ryle Watson

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Pampano Street, Baranggay Longos
Malabon