Vocation Ministry - DSPIC

Vocation Ministry - DSPIC

Share

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 28/04/2026

𝐁𝐫𝐞𝐰𝐀𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 2.0: 𝐊𝐚𝐩𝐞 𝐚𝐭 πƒπšπ¬πšπ₯: π†πšπ›πšπ² 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐑𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐁𝐨𝐀𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧

β€œPang-ilang baso mo na? β˜•β€

Bilang pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday, inilunsad ng Vocation Ministry ang ikalawang taon ng Brewkasyon na may temang β€œBrewkasyon 2.0: Kape at Dasal: Gabay sa Paghanap ng Bokasyon.” Naging bahagi rin ng programa ang pormal na turnover mula sa outgoing coordinator na si Sis. Francheska Beatrice De Leon patungo sa bagong coordinator na si Bro. Emmanuel Salonga.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang kabataan na nais matuto at mas maunawaan ang kanilang bokasyon. Hindi lamang nabusog sa pisikal kundi pati sa espiritwal na pangangailangan.

Isinagawa ang programa sa tulong at gabay ng ating mga bisitang seminarista na sina Bro. Christopher V. Mabini, Bro. Calvin Nicole Lacuata, at Bro. Joshua Nico Dadula. Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon at sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman at karanasan.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagbahagi ng kanilang tulong, lalo na sa ating mga food sponsors:
Sis. Christina de Dios
Sis. Zenaida Vidal
Sis. Normie Lising
Sis. Yolly Herrera
Sis. Edith Santos
Dr. Leonard Dizon
Sis. Jennifer Cruz
Sis. Cherrie Macatangay

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga kaparian, lalo na sa ating rektor at kura paroko, Rev. Fr. Mariano Bartolome Jr., sa kanilang patuloy na suporta sa ating mga programa ngayong Vocation Sunday.

Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng miyembrong nakilahok mula sa iba't ibang ministeryo at organisasyon ng ating simbahan.

Lagi’t laging tandaan, ang bokasyon ay pagmamahal! πŸ’™

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 03/08/2025

π‹πšπ€πšπ²πš: 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚π₯𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚, 𝐏𝐚𝐠π₯𝐒π₯𝐒𝐧𝐠𝐀𝐨𝐝, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧

Isang makabuluhang talkshow kung saan mas malalim nating nakilala ang puso at misyon ng ating mga butihing kaparian!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Clergy Day, taus-pusong pasasalamat po ang aming handog sa mga pari ng ating dambana at ng St. Jude Thaddeus Mission Station: Rev. Fr. Jun Bartolome, Rev. Fr. Victor Isaac, Rev. Fr. Rey Amante, Rev. Fr. Simeon Baio, at Rev. Fr. Johnson Nwanonenyi.

Salamat sa inyong walang sawang paggabay at sakripisyo para sa bayan ng Diyos.
Maligayang Araw ng mga Pari! πŸ™




πŸ“ΈJerwin Israel Aquino

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


272 Gen. Luna Street
Malabon
1470