Random Vlog's

Random Vlog's

Share

28/06/2025

Huling beses na akong mag ku-kumento/reklamo sa Encantadia Chronicles: Sanggre ‼️

Base sa napanood ko kagabi, kapansin-pansin na sobrang minamadali talaga yung bawat scene, ano? Umpisahan natin sa de@th ni Rama Ybrahim! Sa totoo lang, ang pangit ng pagkaka execute at pagpapalabas sakanya. Ni hindi manlang siya pinakita na buhay pa kahit sa huling sandali, otomatiko patay agad? Wala manlang final moments, o pamamaalaam? Wala ring malinaw at justiciable na reason kung ano yung kinamatay niya. Siyempre anong iisipin ng mga nanonood? Anong reason kung bakit nategi si Ybrahim???

Pangalawa yung pagbaba ni Amihan galing sa Devas. Baba lang talaga yon? Walang babyee, walang hello? Talagang sinundo lang si Ybrahim???

Pangatlo, si Lira! Wala manlang siyang last moment kasama ang Ama niya? Maski sa lamay ni Ybarro talagang hindi siya pinakita. Time na sana yon para magkaharap ulit sila ni Amihan. Tapos ano sumulpot lang siya after ng coronation ni Armea? Ano bayan huhu? Basta-basta nalang ba papasok at lalabas ang mga actor ang actresses kahit yung scene nila ang pangit na ng dating at hindi na talaga tumutugma? Hindi naman sa nang b-bash, pero yung sunod-sunod kasi n pag-ero ng mga episode halatang halata na minamadali ang paglalabas masok sa mga actors. Tapos tine tegi isa-isa. Tamo si Azulan nayan bukas. HAHAHAH.

Lastly yung kay Cassandra. Parang hindi naman talaga nabigyan ng justice si Cassandra. Lalo na kilala siya bilang isa sa mga makapangyarihang Diwata, duh galing siya sa tatlong napaka lakas na Diwata ng Encantadia tapos matetegi lang siya ng ganon-ganon? HINDI MANLANG SIYA PINAKITA AS POWERFUL??! Idagdag pa yung pamamahala niya, diba dapat sa Sapiro siya magiging Reyna since sabi ni Cassiopeia sa last episode ng Encantadia 2016 siya ang magiging tagapag mana ni Rama Ybrahim sa Sapiro? Tapos biglang si Armea, si Armea na parang pinush lang between Alena and Ybarro even though alam naman natin ang kalaliman ng pagmamahal ni Ybrahim kay Amihan? Gets naman na noong 2005 si Armea nga ang magiging tagapag mana ng Sapiro, pero yung appearance niya kasi at ng iba pang mga character hindi na tumutugma sa last Encantadia. Parang hindi muna ni recap yung mga episode sa huling series!

HINDI NAMAN NAGIGING HATER, PERO ANG DAMI TALAGANG LOOPHOLES SA ENCANTADIA NOW. WE UNDERSTAND NA NAGSISIMULA PALANG, PERO KUNG MAGSISIMULA PALANG AT HINDI NA TUGMA ANG MGA NANGYAYARI? ANO NALANG SA MGA SUSUNOD PANG EPISODE? SANA NAMAN MAS MA EXECUTE NG MAAYOS KASI NAKAKA DISAPPOINT PARA SA MGA SUPPORTERS TALAGA NA NAGHINTAY NG 9 YEARS FOR THIS.

CTTO -

゚viralfbreelsfypシ゚viral ゚viralシ ゚ ゚

Want your business to be the top-listed Media Company in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Malabon
1470MALABONCITY

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm