Work-Life Balance
16/03/2026
"Simpleng Buhay" and "Mahirap na Buhay" are two different things. Simple life doesn't mean na maghihirap agad kayo. It's all about living below your means. A lifestyle that you don't have to look rich. Yung buhay na komportable pero hindi flashy. Yung nababayaran mo lahat ng bills tapos wala kang gustong patunayan sa lahat.
May kilala ako na kumikita ng 50K per month pero hirap pa rin sa buhay ngayon kasi kumuha ng hulugan na sedan.
May kilala ako na kumikita ng 200K per month pero hirap pa rin sa buhay ngayon kasi kumuha ng hulugang SUV, condo at mga alahas.
May kilala ako na kumikita ng milyon kada buwan pero naghahabol pa rin sa mga bills hanggang ngayon kasi kung anu-ano ang pinagbibibili at luma-lifestyle ng todo-todo.
At the end of the day, no matter how much you earn, kung hindi ka matututong mamuhay ng simple, mahihirapan ka lang sa buhay.
(c) Xian Gaza
08/03/2026
Digmaan o Kasakiman🤔
Ang Tunay na Dahilan sa Likod ng Pagtaas ng Presyo ng Langis
​Mula sa kwento ng isang empleyado ng gas station sa Nueva Ecija, ibinunyag niya ang maduming kalakaran sa likod ng mataas na presyo ng langis:
Pakiusap, pakitago po yung pangalan ko. Lagi po akong nagbabasa dito sa page niyo.
2 million weekly.. yan yung na rinig kong pinag uusapan ng amo namin saka kaibigan niya.
Matagal na akong nagtatrabaho sa isang gas station kaya nakikita ko halos lahat ng kalakaran.
Hindi ko sasabihin kung anong kumpanya o saan ito pero taga Nueva Ecija ako.
Habang tumataas ang presyo ngayon, nakokonsensya na ako sa nangyayari.
Hindi alam ng karamihan ng tao na minsan hindi agad nilalabas ang diesel kahit may stock pa.
Madalas nagpapanggap kaming ubos na ang diesel or hindi kami nagbubukas/ halfday lang.
Pero ang totoo?
Madami pang laman pa yung underground tank.
Pinapahold lang muna.
Ganyan yung nangyayari twing may balita na tataas pa raw ang presyo ng gasolina/diesel.
So ang ginagawa…
hinihintay munang tumaas bago ibenta.
Para mas malaki ang kita.
Eto yung simpleng example
Last week yung diesel:
₱50.48 / liter - puhunan sabihin na nating ₱45 / liter
Ngayon nasa:
₱84 / liter
Difference:
₱44.18 kada litro
Ngayon isipin mo ang isang gas station.
Karaniwan nakakabenta ng mga:
• 10,000 liters ng diesel sa isang araw
Computation:
• ₱44.18 × 10,000 liters
= ₱441,800 dagdag sa isang araw
Sa loob ng isang linggo:
• ₱441,800 × 7 days
= ₱3,029,600
Ipagpalagay nalang natin 2 million.
Isang gas station pa lang yan.
Habang kami?
Mga pump attendant at cashier?
Below minimum wage pa ang sweldo.
Init ng araw. Amoy ng diesel..
Puyat, pagod, gutom.
Tapos nakikita namin araw-araw:
• tricycle drivers na nagbibilang ng barya
• delivery riders na ₱100 lang ang pinapakarga
• mga tao na nagrereklamo sa taas ng diesel/ gas.
Habang umiikot yung metro ng pump…
umiikot din yung milyong kita.
Minsan napapaisip na lang ako.
Dahil ba talaga to sa gyera, o dahil sa mga sakim na negosyante sa pilipinas?
Habang ang ordinaryong Pilipino…
lalo lang naghihirap. Sweldo namin hindi tumataas pero lahat ng bagay nagmamahal..
Kayo, anong opinyon nyo rito? Open discussion tayo—agree ba kayo o disagree? Lapag nyo lang side nyo sa comments!
13/02/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Address
Makati
1210