Dear Kuya Eds

Dear Kuya Eds

Share

Photos from Dear Kuya Eds's post 18/05/2022

Dear Kuya Eds❣️❣️❣️
05.18.2022

Brgy. Olla Majayjay, Laguna——Maraming Salamat po kay Dra. Jeasa Torrefranca, Neurologist sa Manila, sa mabilis na approval (same day) para sa Online Check-up ng aming kababayan na si Nanay Emille Rubio.

Una nang chineck-up ni Dra. Torrefranca si Nanay Emille noong March 2022 matapos itong ma-stroke noong 2021.

Base umano sa resulta ng CT-Scan kailangang masuri agad ng isang Neuro-surgeon ang pasyente dahil sa namumuong bukol at pamamaga ng mga Structure sa Brain nito.

Nag-request din si Doktora ng agarang MRI habang niresetahan ng panibago ang pasyente.

Ayon kay Tatay Fernando (asawa ni Na Emille), bukod sa Pandemya kahirapan sa buhay ang dahilan kung bakit hindi nila mapursige na maipagamot si Nanay Emille kaya kumakatok daw sila sa mga may mabuting kalooban na tulungan sila lalo na ngayon.

To God Be the Glory! 🙏❤️

29/03/2022

❤️❤️❤️

Nasubukan nyo po ako noong nanalo…
Nasubukan nyo rin po ako noong natalo…
Magkaiba man ng kapalaran sa paglilingkuran pero iisa ang ating napatunayan—-hindi po ako nagbago.

Wala po kayong nabalitaan na nagbago ang inyong lingkod…
Sa halip ang inyong nabalitaan ay hindi ako tumalikod!

Samahan nyo po ako sa labang ito…
Edison “Kuya Eds” Sobreviñas Reyes para Vice Mayor
Majayjay, Laguna
Number 2 sa Balota

Photos from Dear Kuya Eds's post 15/03/2022

Dear Kuya Eds❣️❣️❣️
03.15.2022

Disclaimer:

Ang Dear Kuya Eds ay isang programa sa pamamagitan ng Social Media na naglalayung maging tulay para sa mga Indibidwal na gustong tumulong sa mga Majayjayenong dapat at nangangailangan ng tulong lalo na ngayong panahon ng Pandemya.

Ang anumang post kaugnay nito ay naghahangad na magbigay pag-asa at lakas ng loob sa iba na alagaan ang sarili at magpagamot kahit pa sa gitna ng Pandemya. Maraming Salamat po!

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

“Unang Pagkakataon”

Majayjay, Laguna——Sa unang pagkakataon natingnan ng Ophthalmologist sa Philippine General Hospital (PGH) ang 1-year old na si Yharra Reville mula sa Brgy. Bakia.

Ayon sa Doktor kinakailangang mag-undergo ng MRI ang bata para matukoy ang kondisyon nito.

👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼👼

Sa unang pagkakataon naman na-check up ng isang Espesyalista sa PGH ang 7-year old na si Rachelyn Roluna mula sa Brgy. Burgos.

Kuwento ng Ina ng Bata, hindi nakakarinig ang kanyang anak.

Sa initial na diagnosis ng ORL Doctor, posibleng in born ang case ni Rachelyn pero puwede pa syang lagyan o kabitan ng Hearing Aid.

Sasalang sa Hearing Test ang bata at Speech Therapy.

🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒🧒

Sa unang pagkakataon din nasuri ng Ortho Doctor sa PGH si Mary Grace Derit mula Brgy. Ilayang Bayucain.

Ilang buwan nang iniinda ni Mary Grace ang problema sa kanyang buto.

Kinakailangang sumalang sa iba’t-ibang Laboratory at tests ng pasyente.

Maraming salamat sa RHU Majayjay headed by Dr. Ivan Villareal sa pagpapahiram ng Ambulance sa kanila.

🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵🦵

Samantala, sa unang pagkakataon din sumailalim sa Pre-Operation Clearance ang 84-year old na si Nanay Gloria Cube mula sa Brgy. Villa Nogales.

Sumalang sa Libreng Xray, ECG at Blood Tests ang pasyente.

Depende naman sa resulta ng mga test, posibleng ma-operahan sa Katarata si Nanay Gloria.

🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓🧓

Sa huli, naniniwala ang bawat isa na magiging daan ang Unang Pagkakataon na ito para sa pangmatagalan nilang kagalingan.

Isama po natin sila sa ating mga panalangin.

Maraming maraming salamat po sa Pamunuan ng PGH, Mayor Jojo Clado sa suporta at sa aking kapatid na si Aiza Reyes sa assistance.

To God Be the Glory! 🙏❤️

Photos from Dear Kuya Eds's post 07/03/2022

Dear Kuya Eds❣️❣️❣️
03.07.2022

Majayjay, Laguna——Magka-kaiba ng barangay na pinagmulan sina Valentin Estopido (San Miguel), Marilou Gripo (San Francisco), Raziel Zoleta (Amonoy) at Wendie Patron (Suba)—pero iisa ang sadya sa pagluwas sa Makati ngayong araw.

Silang apat dalangin at hangad na maipagamot ang iniindang Bosyo o Goiter.

Simula last year (2021) sa tulong ng Ospital ng Makati (OsMak) libreng ginagamot hanggang sa operasyon (if needed) ang apat nating kababayan.

Kanina, sumalang sa Biopsy si Patron habang maggagamutan muna ng isang (1) buwan sina Gripo at Estopido.

Samantalang posibleng ma-operahan na ngayong Marso si Zoleta.

Maraming maraming Salamat po sa magagaling at mababait na Doctor ng Ospital ng Makati (OsMak) Surgery Department, sina Dr. Emmanuel Alexis Narreto at kanyang Maybahay, at sa lahat ng tumutulong.

Salamat din po kay Mayor Jojo Clado sa suporta at sa aking kapatid na si Aiza Reyes sa assistance.

“The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well.”—Ralph Waldo Emerson

To God Be The Glory! 🙏❤️

Disclaimer:

Ang Dear Kuya Eds ay isang programa sa pamamagitan ng Social Media na naglalayung maging tulay para sa mga Indibidwal na gustong tumulong sa mga Majayjayenong dapat at nangangailangan ng tulong lalo na ngayong panahon ng Pandemya.

Ang anumang post kaugnay nito ay naghahangad na magbigay pag-asa at lakas ng loob sa iba na alagaan ang sarili at magpagamot kahit pa sa gitna ng Pandemya. Maraming Salamat po!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Majayjay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Majayjay-Botocan Highway
Majayjay
4005