Bahay Laguna

Bahay Laguna

Share

Photos from Gawad Laguna Inc.'s post 24/06/2024

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐌𝐞𝐚𝐥𝐬 𝐎𝐧 𝐖𝐡𝐞𝐞𝐥𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐁𝟐𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰

Sa pakikipagtulungan sa Rotaract Club of Kabataang Maynila, matagumpay na naisagawa ng Gawad Laguna Inc. ang pamimigay ng school supplies at pagpapakain sa 105 na mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa Santo Tomas Elementary School - Annex. Ito ay isa sa mga gawain ng Komite ng mga Natatanging Proyekto.

Saganang salamat sa lahat ng nagpa-abot ng tulong pinansyal at nagbigay ng mga supplies upang matuloy ang proyektong ito. Salamat din sa lahat ng mga kapatid sa Gawad na nakilahok sa gawaing ito. Bukas ang aming samahan sa mga gusto pang magbahagi upang maisagawang muli ang proyektong ito.

Salamat po! Padayon! 🔰





PABATID: Binigyang pahintulot ng ating mga butihing magulang ang mga larawan at bidyo na kasama ang mga mag-aaral na ito. Muli ay maraming salamat po sa inyong pahintulot na maipakita ang mga pangyayari sa masayang gawain na ito — ang makapagbahagi sa ating komunidad.

26/11/2021

Sa Sabado na mga kalalawigan!

Tinig ng Pag-asa: Kapit-bisig para sa mga Bayaning Magsasaka

Unang Serye ng Konsyerto at Raffle Draw
Tumutok tayo sa darating na Nobyembre 27, 2021, Sabado ika-2:00 ng hapon, para sa Live Concert at Raffle Draw!

Bisitahin ang page ng Gawad Laguna Inc. para sa magaganap na kapana-panabik na Concert For A Cause para sa ating mga Bayaning Magsasaka ng Laguna at Raffle Draw!

Makikanta, makisaya, at umindak, sa espesyal na konsyertong handog ng mga Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna para sa inyo mga kalalawigan.

Saganang salamat po!




.

(Likha ni: Kael Mondez)

18/06/2021

"Ako' y hindi perpekto may kailangan din at kamalian. Kung ako man ay nagkamali ito' y hindi galing sa aking puso kundi sa aking pahat na isipan tulad din ng pagkakamali ng karaniwang tao".

Mga kalalawigan, limang (5) araw na lang!
Sama sama nating alalahanin at gunitain ang ika-102 taong araw ng kapanganakan ni Gob. San Luis, ang itinuturing na Batong Buhay ng Laguna.
(Hunyo 23, 1919- Hunyo 23, 2021)






Likha ni: Kael Mondez

Want your school to be the top-listed School/college in Magdalena?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Brgy. Bungkol
Magdalena
4007