The Equalizer - Mabalacat City College

The Equalizer - Mabalacat City College

Share

19/06/2026

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฑ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ

Ngayong ika-19 ng Hunyo, ating ginugunita ang ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani, si Jose Rizal. Nagbigay ng malaking karangalan sa bansa bilang isang tanyag na manunulat kung saan isinulat niya ang "Noli me Tangere" at El Filibusterismo" na nagmulat sa mga Pilipino sa paniniil ng mga Kastila.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, marahil ay wala nang higit na makapagpapasaya kay Rizal kundi ang pagsasabuhay ng kanyang mga adhikain: isang Pilipinas na malaya sa pang-aapi at panlulupig, mga mamamayang edukado at may paggalang sa isa't isa, at isang bayang nagmamahal sa kanyang sariling kultura at kalayaan.

Pagpupugay sa iyo, Pepe! Patunay ka na hindi lahat ng bayani ay kinakailangang humawak ng espada o baril upang makamit ang pagbabago. Sa pamamagitan ng panulat, kaalaman, at pagmumulat sa sambayanan, naipakita mong maaaring umusbong ang pangarap ng tunay na kasarinlan.

๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช: ๐˜‰๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜™๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜ก๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข
๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช: ๐˜Š๐˜บ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด ๐˜™๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข

Photos from The Equalizer - Mabalacat City College's post 13/06/2026

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ผ๐—น๐˜๐—ผ ๐——๐—ฎ๐—ป๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Nakiisa sa pagdiriwang ng โ€œKalayaan Night: Independence Dayโ€ ang Folto Danzatore ng Mabalacat City College (MCC) matapos itong maimbitahan upang magtanghal noong Hunyo 12, 2026 sa WIDUS Hotel, Clark.

Bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, ipinamalas ng grupo ang kanilang husay sa pamamagitan ng isang makulay na pagtatanghal na binubuo ng ibaโ€™t ibang tradisyunal na sayaw ng Pilipinas, kabilang ang La Jota Moncadeรฑa, Binasuan, Singkil, at Maskara. Sa bawat galaw at indak, naipakita ng mga mananayaw ang kagandahan at yaman ng kulturang Pilipino.

Ang kanilang pagtatanghal ay hindi lamang nagsilbing aliwan sa mga dumalo kundi naging pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa mga tradisyon at pamana ng bansa. Sa pamamagitan ng kanilang talento at dedikasyon, matagumpay nilang naiparating ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagpapahalaga sa kalayaan.

Nagsilbing makulay na bahagi ng pagdiriwang ang pagtatanghal ng Folto Danzatore, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapanatili at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Ang kanilang paglahok sa pagdiriwang ay nagsilbing pagpupugay sa kalayaan ng bansa at pagkilala sa mayamang pamana ng kulturang Pilipino.

๐˜œ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช: Jane Velasco
๐˜’๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช: Justin Zabala

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Mabalacat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Dolores
Mabalacat
2010