BMRK RAMOS LOFT

BMRK RAMOS LOFT

Share

25/12/2025

Marami kaming pinagpilian kung sino ang karapat-dapat na mabiyayaan ng bagong motor ngayong pasko. Sa mga nagtatanong kung paano namin isinasagawa ang pagpili, ito po ay kolektibong pagpapasya.🙌

Paano? Simple lang naman, dapat tunay ang suporta. Meron o wala, nandyan para sumubaybay sa aming mga vlogs. Alam namin kung sino ang mga tunay. At alam namin kung sino ang mga nandyan lang sa panahon lamang ng pagbibigay ng mga surpresa.🫣

Si Ruel Reyes ay ang maswerteng nabiyayaan ng bagong motor para sa taong ito. Idinaan namin sa bunutan. Bawat napili naming mga solid supporters inilagay namin sa garapon ang pangalan nila. Kung sino ang makaunang tatlong beses na mabunot ang pangalan n’ya sa kanya mapupunta ang regalong motor.

Sa madaling sabi, kasama namin ang itaas sa sinasabi kong kolektibong pagpapasya. Isipin mo sa dinami-daming pwedeng mabunot, ikaw pa! Swerte yun galing kay Lord.😇

Nawa’y magamit sa mabuting paraan ang regalo namin sa inyo, ginoo. Pupwedeng mong magamit sa trabaho, negosyo o pampamilya iyan. Isang karangalan sa aming grupo ang makapagbigay ng munting biyaya sa isang tubong Mabalaqueño.🙌

Asahan po ninyo, taon-taon, magbibigay kami ng motor para sainyo.🤝

Masaya at masaganang Pasko pu, pengari ku’t kapatad, kaluguran, kaaning!👌

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Mabalacat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Mabalacat Pampanga
Mabalacat
2010