Organisasyong Pandayan
10/05/2026
SI ๐ ๐๐ ๐ AY ๐ ๐๐ ๐ LANG
May mga taong kayang magsinungaling nang hindi nahahalata. Hindi dahil sanay silang manloko, kundi dahil sanay silang magtago ng sakit. At sa lahat ng taong nakilala ko, si Mama ang pinakamahusay roon.
Kapag tinatanong siya kung pagod ba siya, agad siyang ngingiti.
Kapag sinasabing kaya pa ba niya, mabilis siyang sasagot ng โOo naman.โ
Kapag may problema, para bang wala lang sa kaniya.
Parang biro lang.
Parang magaan lang.
Parang โmemaโ lang.
Ngunit habang tumatagal, natutuhan kong basahin ang mga katahimikan niya.
Ang mahinang buntong-hininga habang naghuhugas ng pinggan.
Ang matagal na pagtitig sa kisame kapag akala niyang tulog na kaming lahat.
Ang pilit na tawa sa hapag-kainan kahit halatang ubos na ubos na siya.
Doon ko naunawaan na maraming ina ang eksperto sa pagpapanggap. Hindi dahil gusto nila, kundi dahil kailangan.
Kailangang maging matatag.
Kailangang maging ilaw.
Kailangang maging tahanan kahit sila mismo ay unti-unti nang nawawasak sa pagod.
Minsan, iniisip ko kung ilang beses nang sinabi ni Mama ang โOkay lang akoโ kahit hindi naman talaga.
Ilang beses niyang itinago ang luha sa likod ng mahinang ngiti.
Ilang beses niyang isinantabi ang sariling sakit upang siguraduhing maayos kami.
Nakatutuwang isipin na noong bata ako, akala ko hindi napapagod ang mga nanay. Akala ko likas sa kanila ang pagiging matatag. Hindi ko alam na gabi-gabi rin pala silang nilalamon ng takotโ
takot na baka hindi sapat ang kinikita,
takot na baka may magkasakit,
takot na baka isang araw ay mapagod silang lumaban.
Pero kinabukasan, gigising pa rin sila.
Magluluto.
Mag-aalaga.
Ngingiti.
Magtatanong kung kumain ka na ba.
Na para bang walang mabigat na dinadala.
Siguro ganoon talaga magmahal ang isang ina.
Tahimik.
Mapagtiis.
Halos hindi humihingi ng kapalit.
At siguro, kaya โmemaโ si Mama dahil ayaw niyang maramdaman naming kailangan niya rin ng masasandalan.
Ayaw niyang makita namin siyang mahina.
Kaya ginagawa niyang biro ang pagod.
Ginagawang tawa ang lungkot.
Ginagawang โokay langโ ang mga gabing gusto na rin niyang sumuko.
Pero ngayong mas naiintindihan ko na ang mundo, mas naiintindihan ko na rin siya.
Na ang mga nanay ay hindi bakal.
Nasasaktan din sila.
Napapagod din.
Naiiyak din sa katahimikan.
Kaya ngayong Araw ng Mga Ina, gusto kong yakapin si Mama nang mas mahigpit.
At sa unang pagkakataon, ako naman ang magsabi sa kaniya ng mga salitang matagal niyang ibinigay sa amin:
โ๐ ๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ ๐บ๐๐ป๐ฎ. ๐๐ธ๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป.โ
Teksto ni Jhomerson Dan O. Verzosa
05/04/2026
๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฒ๐ธ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐ถ๐ ๐ผ๐๐ฒ๐ฟโgoodness gracious, parang hindi ko na hawak ang beat. ๐ญ๐คธ
Nakapag-๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ด๐ฒ ka ba? ๐ Nakapag-๐ฟ๐ฒ๐ณ๐น๐ฒ๐ฐ๐? ๐งโโ๏ธ Oo man o hindiโฆ papasok ka na ulit, kasi Monday na bukasโwala nang extension, wala nang atrasan. ๐
Nawaโy sa mga nagdaang araw ay natamo mo ang โ๐ฐ๐ต๐ถ๐น๐น ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ฒ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด, ๐ซโโang pahingang hindi lang pangkatawan, ๐๏ธ kundi pati pang-isipan ๐ง at pandamdamin. ๐
02/04/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Isinilang noong Abril 2, 1788 sa Bulacan si Francisco Balagtas, na mas kilala rin bilang Francisco Baltazarโisang haligi ng panitikang Pilipino. Hanggang ngayon, patuloy na kinikilala ang kaniyang obra maestrang Florante at Laura bilang mahalagang bahagi ng edukasyon at kultura. Nilikha rin niya ang Orosman at Zafira at ang dulang La India elegante y el negrito amante, bagamaโt may ilan pa siyang akdang hindi na naingatan ng panahon.
โSa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluhaโy siyang nangyayaring hari.โ Sa linyang ito mula sa Florante at Laura, malinaw na naipakita ni Balagtas ang kaniyang matalim na pagtingin sa lipunanโisang repleksiyon ng kawalan ng katarungan at paghahari ng kasamaan na hindi lamang umiral noon, kundi patuloy ring nakikita sa kasalukuyan.
Hindi naging madali ang kaniyang buhay. Naranasan ni Balagtas ang pagkakakulong dahil sa maling paratang na iniuugnay sa kaniyang karibal sa pag-ibig kay Maria Asuncion Rivera, ang inspirasyon sa โSelya.โ Pagkaraan ng kaniyang paglaya, pinili niyang magsimulang muli sa Bataan at nagpakasal kay Juana Tiambeng. Gayunpaman, muli siyang naharap sa pagsubok nang makulong ulit noong 1860, at napalaya lamang matapos maisakripisyo ang kaniyang mga ari-arian.
Pumanaw siya noong Pebrero 20, 1862, ngunit nanatiling buhay ang kaniyang impluwensiya sa panitikan. Maging si Jose Rizal ay humanga sa kaniya at ginamit ang Florante at Laura upang higit na malinang ang kaniyang kaalaman sa Tagalog. Sa karangalan niya ipinangalan ang โBalagtasan,โ isang tradisyong patula sa pagtatalo. Hanggang ngayon, ginugunita ang kaniyang ambag bilang โPrinsipe ng mga Makatang Pilipino.โ
โ๏ธ: Jhomerson Dan O. Verzosa
๐ผ๏ธ: Jhomerson Dan O. Verzosa
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Mabalacat
2010