PongKang Squad

PongKang Squad

Share

19/02/2023

Salamat na agad sa panonood ng trip-trip naming vlog 😂😂😂

26/12/2022

Just want to share our own experience on how to open a Junior Savers Account.
For as low as 100php pwedeng-pwede na natin ipagbukas ng savings account ang ating mga little ones. Nang sa ganon, hindi na tayo maa-attempt gamitin mga perang binibigay sa kanila ng ibang family natin, relatives, friends, mga Godparents nila etc.. (para maputol na din yung meme na si nanay ang tunay na scammer 😅). Kidding aside, mas okay din na habang bata pa sila, matututunan na nilang mag save. So, heto yung ilang tips para sa easiest at fastest way to apply.

1. Pumunta ng maaga para syempre iwas sa dami ng naka pila. Mas ok kung kaka-open lang ng Bank.
2. Dalhin na lahat ng Original Requirements, sila na magpho-photo copy.
FOR 6yo BELOW;
2.1 PSA Birthcertificate (kung wala pang psa, kumuha na muna)
2.2 2 Valid ID's ng parent kung sino ang signatory
(dapat yung address sa ID ay same lang ang address,
kung hindi updated ang address ng isang ID,
kuha nalang ng Brgy. Clearance or Brgy. ID)
*Driver's Licensed and Company ID ang ibinigay ni Pong to be specific
(if walang company ID at nagbi-business ng sarili,
dapat magpakita ng proof of income or pwede din yung
DTI Permit or Business Permit or kung online seller naman,
pwede na screenshot ng fb page)
FOR 7yo to 12yo sila na ang signatory;
2.3 PSA Birthcertificate
2.4 Passport (if meron at kung wala naman, see below)
2.4.1 School ID (yung sakto sa school year at visible ang Principal's Signature)
2.4.2 School Certificate (mag request nalang sa Registrar)
3. Sa pag fill out ng form, kakailanganin ang TIN Number ng Signatory kung sya ay parent kaya dapat kabisado or naka note na.
4. Lastly, need ng 100pesos initial payment para sa Passbook (pag junior account, walang ATM Card). Pwede na din isabay yung halaga ng idedeposit na savings sa pagbayad ng 100.

NOTE:
Sa Junior account, hindi sya pwedeng ma-monitor sa online banking app pero halimbawa gustong mag deposit gamit Gcash or bank to bank transfer pwede sya.
Punta nalang sa mismong BDO kung gustong ipa-update ang passbook.

For more info, just go to the nearest BDO branch.

12/11/2022

Affordable na NO LUKOT, NO GUSOT na bedsheet. 👌

https://shopee.ph/product/396652914/12280158034?smtt=0.819940419-1668253475.9

03/11/2022

Umiyak sya kasi sabi ko vi-video ko sya para ipakita sa Teacher nya. Nag joke kasi sya pero hindi nakakatuwa kaya kahit ilang beses nyang sabihing "The joke is funny", sinabi kong "Not all jokes are funny". Pano ba naman ang joke nya ganito,

AISTIN: Mamhy, I told my classmate that my Mamhy is a killer.

-
Sinong hindi ma-shu-shook dyan?!, hindi nga nya ako ginawang monster sa drawing, naging killer naman ako. Nung hindi ko nagustuhan eh biglang kambyo sya ng, "I'm just joking". Pero kahit ganun, hindi ko pa din yun pinalampas. Syempre napagalitan ko sya and after pagalit, todo explain ako kasama ang Dadhy nya.

Sa panahon ngayon ang mga bata marami ng source kung saan nila pwedeng magaya ang mga bagay-bagay. Kaya tayong mga parents, huwag natin hayaang tolerate lang mga anak natin. Kahit sabihing bata lang sila at hindi pa nila alam kung ano ang tama sa mali, ang dapat o hindi dapat. Mas maigi ngang habang bata palang sila, ituro na natin ang tama at dapat.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Mabalacat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Fiesta, Tabun
Mabalacat
2010