UP Clark-Subic Student Council
30/04/2026
Bukas na! Mayo Uno na!
Sama-sama nating gunitahin ang Araw ng mga Manggagawa hindi lamang sa pag-alala—kundi sa sama-samang pagkilos at paglaban!
Humayo tayo sa lansangan, magkaisa, at igiit ang tunay na ginhawa at karapatan ng uring manggagawa. Hindi na sapat ang pananahimik habang patuloy tayong ginugupo ng napakataas na presyo ng bilihin at sahod na hindi makatao.
📢 Kaya bukas, kumilos tayo’t magkita-kita sa Angeles City, 2:30 ng hapon.
Patuloy nating ipaglaban ang sahod, trabaho, at karapatan! Ibaba ang presyo ng langis at bilihin! At wakasan ang imperyalistang gera!
Para sa buhay at kabuhayan!
Manggagawa at mamamayan, kumilos sa Mayo Uno!
28/04/2026
TINGNAN: Ngayong Abril 28, 2026, ang UPDEPPO Student Council kasama ang Anakbayan UP Clark, Bahaghari UP Clark, STAND UP Clark, Pi Sigma Fraternity - Pi Sigma Delta Sorority UP Clark, at Sigma Kappa Pi Fraternity - Sigma Delta Pi Sorority UPD EPP ay nakiisa sa isang candle lighting protest bilang pag-alala at paghingi ng hustisya para kina Alyssa Alano, Errol Wendel, Maureen Santuyo, RJ Ledesma, Kai Sorem, at sa lahat ng biktima ng Toboso 19.
Sa sama-samang pagtitipon, taas-kamaong pinagpugayan ng mga estudyante at g**o ang mga nasawi habang muling iginiit ang panawagan para sa hustisya at pananagutan. Naging espasyo rin ang pagkilos upang kondenahin ang patuloy na karahasan, eksploytasyon, at militarisasyon sa Negros Occidental na patuloy na lumalabag sa karapatan ng mamamayan.
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA NEGROS!
26/04/2026
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang aerial strafing sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Labing-siyam na indibidwal ang naging biktima ng di-makataong pagpaslang ng AFP! Pinakamataas na pagpupugay kina Alyssa Alano, Errol Wendel, Maureen Santuyo, RJ Ledesma, Kai Sorem, at sa lahat ng biktima na naglingkod bilang aktibista, estudyante, mamamahayag, at artista para sa bayan at sa pinagsasamantalang masa. Patuloy ang ating pakikibaka laban sa karahasan, eksploytasyon, militarisasyon, at iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao na naganap at patuloy pang nagaganap sa Negros.
Makiisa at lumahok tayo sa isang Candle Lighting Protest bilang pag-alala at paghingi ng hustisya para sa ating kapwa Iskolar ng Bayan, Alyssa Alano at sa iba pang biktima sa Toboso 19.
📍UPDEPP Lobby, ngayong Abril 28 (Martes), 4:00 PM.
HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
AKTIBISTA, HINDI TERORISTA!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA NEGROS!
09/04/2026
Ngayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang kabayanihang minsang isinabuhay sa kasaysayan. Inaalala natin ang mga bayani na nagbuwis ng buhay upang ang inaangkin nating kalayaan, kasarinlan, at kapayapaan ay ating makamtan. Ngunit, higit pa sa pag-alala, mahalagang tanungin: Ano ang kahulugan ng kagitingan sa kasalukuyan? Sa gitna ng krisis, digmaan, at pang-araw-araw na pakikibaka, ang kagitingan ay patuloy na umiiral.
Sa araw na ito, inaalala natin ang kawalang katarungan na kanilang kinaharap, ang mga pighati at laban. Mula sa kanila nakatagpo tayo ng bagong tapang, at bagong lakas upang pag-ibayuhin pa ang paghahatid ng bagong pag-asa.
Tuloy ang laban para sa kalayaan, kasarinlan, at kapayapaan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
UP Compound, Claro M. Recto, Clark Freeport Zone
Mabalacat
2010