The Ripples
Handa sa Unos
✍️ Mhylie Madriaga
Sa tuwing may paparating na bagyo, hindi lang pag-iingat ang kailangan kundi tamang impormasyon at maagap na paghahanda. Sa panahon ngayon na mabilis magbago ang lagay ng panahon, ang pagiging alerto ang unang sandata ng bawat pamilya.
Una, mahalagang makinig sa opisyal na anunsyo mula sa PAG-ASA at lokal na pamahalaan. Dito nakabatay ang mga desisyong makaaapekto sa kaligtasan mula sa class suspension hanggang sa evacuation advisories. Kung tama ang impormasyon, tama rin ang magiging aksyon.
Ikalawa, siguraduhing handa ang tahanan. I-check ang bubong at bintana. Maliit man ang sira, maaari itong magdulot ng malaking problema kapag dumating na ang malakas na hangin at ulan. At siyempre, laging may handang go bag na may tubig, pagkain, flashlight, gamot, at mahahalagang dokumento.
Hindi rin dapat kalimutan ang komunikasyon. Sa gitna ng sakuna, napakahalaga ang pakikipag-ugnayan sa pamilya at kapitbahay. Ang simpleng mensahe ng “Ok kami dito” ay sapat para bawasan ang pangamba ng mga nag-aalala.
Sa huli, tandaan: Hindi natin kontrolado ang bagyo, pero kaya nating piliin ang maging handa. Sa panahon ng kalamidad, ang pagiging alerto, mahinahon, at maagap ang tunay na nagbibigay ng kaligtasan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Lalog 1, Isabela
Luna