Patrol Probinsya

Patrol Probinsya

Share

Photos from Patrol Probinsya's post 19/09/2025

MAHIGIT 10 MANGINGISDA NASAGIP SA KARAGATAN NG AURORA, 1 NAIULAT NA NASAWI, ILAN PA NAWAWALA

Umaabot sa 10 mangingisda ang magkakasunod na nasagip sa mga insidente ng paglubog ng ilang bangkang pangisda sa karagatan ng Aurora Province sa kasagsagan ng pananalasa ng mga nagdaang masasamang lagay ng panahon.
Base sa ulat, apat na mangingisda na sakay ng bangkang Jek-Jek na lumubog malapit sa Casiguran, Aurora dahil sa Bagyong Mira*ol anmg nasagip nitong Miyerkoles.
Kinilala ang mga ito na sina Jose Bilo, Jhon Bilo, Jerson Dela Torre, at Jerome Dela Torre na pawang residente ng Dingalan, Aurora.
Nasagip sila ng kanilang mga kapwa mangingisda habang nakakapit sa mga improvised na floating device na gawa sa mga pinagkabit-kabit na galon at ilang bahagi ng kanilang bangka.
Samantala, lima pang mangingisda mula sa bangkang Geanelle ang nasagip matapos lumubog noong Setyembre 16. Matapos mawala sa loob ng tatlong araw, natagpuan sila sa baybayin ng Dipaculao nitong Huwebes, Setyembre 18.
Ang search and rescue operation ay ginawa ng iba't ibang ahensya, kabilang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at Philippine Coast Guard.
Bukod pa sa mga nabanggit, isa pang mangingisda na si Glen Avila mula sa Dilasag, Aurora ang nasagip din sa laot. Sinasabing sakay ito sa “pangulong” na Denise Dei na lumubog na noong September 17.
Na rescue naman ng bangkang Yantao sa laot ang ibang sakay ng nasabing pangulong.
Patuloy namang hinahanap ang iba pang nawawalang mangingisda na sakay din ng nasabing bangka kabilang si Jeremy Millena, 23 taong gulang, na residente ng Barangay Pingit.
Isa pa ring mangingisda na si Oliver Mendoza, 27-anyos, taga-San Eldifonso, Casiguran ang nawawala din matapos abutan din ng bagyong Mira*ol sa laot.
Natagpuan na ang kanyang kulay bangka yellow at grren bangka at hinila na patabi ng ibang mangingisda.
Samantala, isa sa mga nawawalang mangingisda na si Rosalito Lito Evangelista ng Dinalungan, Aurora ay kumpirmadong nasawi.
Natagpuan ang kanyang bangkay ng ilang kabataan sa dalampasigan ng Barangay Abuleg, Dinalungan noong Huwebes ng gabi, Noong, Miyerkoles, September 17, nakita ang kanyang lumubog na bangka sa Barangay Ditinagyan, Casiguran.

MATERIALS :
Pagrescue sa mga sakay ng MB Jeck-Jeck- BALITANG AURORA ONLINE
5 NASAGIP -- Bangkang Geanelle photos: EDGARDO TIPONTIPON
5-NASAGIP - VIDEO – Bangkang Geanelle : SHIERWIN TAAY
Glen Avila rescue MB Denise Dei video: JHOMAR M. ROMERO
IBA PANG NARESCUE SA DENISE DEI VIDEO-- Diana Rose Magos
Namatay na mangingisda photo - BARANGAY MAPALAD DINALUNGAN AURORA

Want your business to be the top-listed Media Company in Lucena?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


CampGNakar
Lucena
4301