I-Scene Quick News
26/09/2025
2 AKO BICOL PARTY-LIST ASSISTANT, LUMANTAD
Mariing itinanggi ng dalawang personal assistant ng Ako Bicol Party-list, na sina Mark Bunagan at Allan Colesio na naghatid sila ng limpak-limpak na salapi sa bahay nina Representatives Zaldy Co at Ferdinand Martin Romualdez.
Ang nabanggit na pahayag ay laman ng kanilang magkahiwalay na sinumpaang salaysay bilang pagkontra sa ibinunyag ni Orly Guteza sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kina Bunagan at Colesio, sa buong panahon na sila ay magkakasama sa trabaho ni Guteza ay wala silang natatandaan, naririnig, o nababasa ukol sa umano’y pagdadala ng male-maletang pera sa iba’t ibang lugar lalo na sa bahay nina Representatives Co at Romualdez.
Tiniyak naman nina Bunagan at Colesio na handa silang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sakaling sila ay ipatawag para pabulaanan ang mga sinabi ni Guteza.
26/09/2025
BAGYONG ‘OPONG’, MAY KASUNOD?🙏🏻
UPDATE: Naglabas ng Tropical Cyclone Threat Potential (TCTP) ang DOST-PAGASA ng cloud cluster sa labas ng PAR at nagpapakita ito ng KATAMTAMAN o MEDIUM chance na maging bagyo ito sa susunod na linggo.
Ayon dito, posibleng muling tumbukin ng nasabing potensyal na bagyo ang . Ang susunod na pangalan ng bagyo ay .
Posible pang magbago ang mga datos na ito kaya’t manatiling updated.
📸: DOST-PAGASA
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Lucena
4301