Kons Romscell Suarez
15/05/2024
Ang pagbati mula sa inyong lingkod PPSK President Romscell Ann A. Suarez sa isang makulay at masayang Pahiyas Festival 2024. Muli, ang pasasalamat kay San Isidro Labrador sa masaganang ani at biyaya. 🌾🌻
Halina na sa Lucban, ang bayan ng Superstars!
12/05/2024
Abangan bukas ang kompetisyon sa panggawa ng Arangya ng tatlong pu’t isang (31) Sangguniang Kabataan Council sa bayan ng Lucban. Dito makikita ang husay at galing ng mga Kabataan sa larangan sining at kultura. Kita kits mga Kabataang Lucbanin! 🩷🧡💙
08/05/2024
Tingnan | Mayo 4, 2024
Ang pagbisita ng inyong lingkod PPSK President Romscell Ann A. Suarez sa Barangay Manasa bilang bagong Kagawad Distrito. Muli, maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa akin bilang bagong Kagawad Distrito ng inyong Barangay sa pamumuno ni Kapitana Gloria A. Jasul at gayun din sa bumubuo ng Sangguniang Barangay Manasa.
06/05/2024
Tingnan | Mayo 6, 2024
Ang pagbisita ng inyong lingkod PPSK President Romscell Ann A. Suarez sa Barangay Atolinao bilang Kagawad Distrito gayun din ang pagbibigay tugon sa kanilang kahilingan na mabigyan ng Book Shelves para sa kanilang Mini Library. Nawa’y ito’y makatulong sa mga kabataang naninirahan sa Barangay Atolinao. God bless po, Barangay Atolinao!
03/05/2024
Chess at Darts Tournament ♟️🎯
Mayo 6-9, 2024
Halina’t sumali na!
Kayo po ay aming inaanyayahan sa paparating na Chess at Darts Tournament sa darating na Mayo 6-9, 2024 (Lunes-Huwebes) na gaganapin sa Liwasang Rizal Lucban, Quezon. Ito po ay bukas para sa lahat ng kategorya mapa-Kiddies, Junior, at Senior Division. Sa mga nais sumali, mangyari lamang na kontakin ang inyong lingkod PPSK President Romscell Ann Suarez, mga SK Chairperson sa inyong bawat Barangay o magtungo sa tanggapan ng ATV Sports sa Barangay Tinamnan Lucban, Quezon.
02/05/2024
Magandang araw po!
Para po sa mga may edad 18-35 taong gulang na nais sumali sa Food Processing Training Course na gaganapin sa darating na ika-13 ng Mayo taong 2024 ito po ay bukas para sa lahat ng mga Out of School Youth (OSY) at Displaced Workers. Sa mga nais pong sumali, mangyari lamang po na magpalista kay Bb. Shiela A. Ibalderosa o kaya sa inyong lingkod PPSK Romscell Ann A. Suarez. Maraming salamat po!
📌PAALALA: Labing walo (18) lamang na slots ang aming tatanggapin para sa gaganaping training course.
09/04/2024
Tingnan | Abril 6, 2024
Ang Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 3 para sa buwan ng Abril na ginanap sa Bahay Pamahalaan ng Barangay 3 Lucban, Quezon sa pangunguna ng inyong lingkod PPSK President/SK Chairperson Romscell Ann A. Suarez.
07/04/2024
Tingnan | Abril 7, 2024
Ang pakiki-iisa ng tatlong pu’t isang (31) SK Chairperson ng Bayan ng Lucban sa ginanap na Mandatory Training patungkol sa Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP) at Fomulation Process na ginanap sa Rural Health Unit (RHU) Conference Room Lucban, Quezon.
Muli ang aming walang hanggang pasasalamat kay Gng. Jenny G. Grimaldo sa pagsasa-ayos ng isang maayos at matagumpay na Mandatory Training at pagbibigay ng kaalaman sa sunod sunod na proseso na gagawin sa paggawa ng Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP). Gayundin sa aming Resource Speaker na si G. Nathaniel Oblena sa pagsagot sa aming mga katanungan patungkol sa tamang paglalabas ng pondo.
09/03/2024
Tingnan | Marso 9, 2024
Ang Pangkaraniwang Pulong ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Lucban para sa buwan ng Marso na ginanap sa Bahay Pamahalaan ng Barangay 1 Lucban, Quezon.
Maraming salamat po kay Jenny Grimaldo sa pagbisita at pagbibigay ng payo at kaalaman sa mga dalawampu’t tatlo (23) na SK Chairperson na dumalo sa nasabing pagpupulong. At nagpapasalamat din po kami kay Kapitan Godofredo L. Martinez, sa pagpapagamit ng kanilang Bahay Pamahalaan upang pagdausan ng sesyon ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Lucban.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Lucban, Quezon
Lucban
4328