Councilor Jay Rolusta
16/07/2026
𝐉𝐔𝐋𝐘 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ⚖📜 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐎𝐍 𝐑𝐔𝐋𝐄𝐒 |
𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐄𝐃 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐎. 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟎𝟎𝟑
Ngayong araw, pinangunahan ng inyong lingkod, bilang Chairperson ng C𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗥𝘂𝗹𝗲𝘀, 𝗣𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝘀, 𝗟𝗮𝘄𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀, ang 𝗝𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 kasama ang 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 upang talakayin ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝗮𝗱𝗹𝗮𝗰 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟬𝟬𝟯, na naglalayong ipagbawal ang pagmamaneho ng mga menor de edad ng mga motorsiklo at iba pang sasakyan sa loob ng barangay.
Sa isinagawang pagtalakay, nagkasundo ang Joint Committee na magrekomenda ng ilang mahahalagang amyenda upang matiyak na ang ordinansa ay naaayon sa mga umiiral na pambansang batas, kabilang ang 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟰𝟭𝟯𝟲 at 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗰𝗿𝗲𝗲 𝗡𝗼. 𝟲𝟬𝟯, at higit na magiging epektibo ang pagpapatupad nito.
𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐧𝐢𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠:
✅ Pananagutin ang mga magulang o guardian na nagpapahintulot sa menor de edad na magmaneho, sa halip na ang mismong menor de edad ang mapatawan ng multa;
✅ Mandatoryong written warning, counseling, at kaukulang parusa sa paulit-ulit na paglabag;
✅ Paglikha ng Official Record of Violations bilang monitoring system upang masubaybayan ang mga paglabag at maiwasan ang pag-uulit nito.
Ang layunin ng panukalang ito ay hindi lamang magpataw ng parusa, kundi higit sa lahat ay mailigtas ang buhay ng ating mga kabataan, maisulong ang responsableng pagiging magulang, at mapanatili ang kaligtasan sa ating mga lansangan.
𝑃𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑢𝑡𝑢𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠 𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑠 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑠𝑎𝑏𝑙𝑒𝑛𝑔 𝐿𝑜𝑠 𝐵𝑎𝑛̃𝑜𝑠.
📜 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘 𝐑𝐄𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀
𝑈𝑙𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛: 𝑈𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑖 𝐾𝑜𝑛𝑠𝑒ℎ𝑎𝑙 𝐽𝑎𝑦 𝑅𝑜𝑙𝑢𝑠𝑡𝑎 (𝑃𝑎𝑟𝑡 5)
Hindi lamang panukala, kundi mga ordinansang nagbunga ng konkretong pagbabago para sa ating bayan. Sa bawat batas na naipasa, layunin nating mapabuti ang serbisyo, kaayusan, at kalidad ng pamumuhay ng bawat taga-Los Baños.
𝟭𝟬 𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝘆𝘂𝗻𝗶𝗻—𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻̃𝗼𝘀. 🇵🇭💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Tadlak
Los Baños
4030