PCA Quezon 2
02/06/2026
𝐌𝐚𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐀 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐈𝐈!
Isang taos-pusong Maligayang Kaarawan kay Ms. Azenette Campos, isa sa aming natatanging Coconut Development Officer. Nawa’y mapuno ang iyong bagong taon ng buhay ng kaligayahan, tagumpay, mabuting kalusugan, at patuloy na pagpapala. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at inspirasyong ibinibigay sa inyong gawain at sa organisasyon.
Para naman kay Mr. Reymarc Ramos, bagama’t huli man ang aming pagbati, ito ay taos-puso pa ring inihahatid ng buong PCA Quezon II. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng higit pang tagumpay, kasiyahan, mabuting kalusugan, at mga oportunidad sa mga darating na taon.
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong dalawa para sa inyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at mga kahanga-hangang tagumpay na inyong naibabahagi sa PCA. Ang inyong mga kontribusyon ay mahalagang bahagi ng patuloy na pag-unlad at tagumpay ng aming organisasyon.
Mabuhay kayo at cheers sa mas marami pang tagumpay, biyaya, at masasayang alaalang pagsasaluhan nating lahat!
𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐲𝐨𝐠.
Narito ang ilang kaganapan sa naging launching at orientation para sa implementasyon ng 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 sa lalawigan ng Quezon na isinagawa noong Mayo 22, 2026 sa 𝘉𝘳𝘨𝘺.𝘔𝘢𝘱𝘶𝘵𝘢𝘵 𝘜𝘯𝘪𝘴𝘢𝘯, 𝘘𝘶𝘦𝘻𝘰𝘯.
Sa tulong ng 𝐃𝐎𝐋𝐄, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐜𝐨𝐧𝐮𝐭 𝐓𝐫𝐢𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, 𝐚𝐭 𝐏𝐂𝐀 𝐐𝐈𝐈, patuloy ang sama-samang pagkilos para sa serbisyong may malasakit at programang tunay na makatutulong sa ating mga coconut farmers.
21/05/2026
Warmest greetings on your promotion to Agriculturist II!
This achievement reflects your passion, perseverance, and valuable contribution to the agricultural community.
We are proud of you.
14/05/2026
SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA MAGNINIYOG AT KANILANG PAMILYA!
13/05/2026
𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐬𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐈𝐏𝐌), 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐨𝐧𝐝𝐨𝐜 𝐏𝐞𝐧𝐢𝐧𝐬𝐮𝐥𝐚
Isinagawa ng 𝐏𝐂𝐀 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐈𝐈 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐚𝐦 (𝐒𝐖𝐀𝐓) ang tatlong araw na 𝐟𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐯𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐟𝐨 𝐝𝐢𝐬𝐬𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 mula Mayo 11-13, 2026 sa mga barangay ng 𝐒𝐭𝐨.𝐍𝐢𝐧𝐨, 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐧𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐭𝐚𝐧𝐠𝐮𝐢𝐚𝐝 sa bayan ng 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 upang palawigin ang 𝐤𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐬𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐮𝐠𝐚𝐧 kagaya ng 𝘈𝘴𝘪𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘗𝘢𝘭𝘮 𝘞𝘦𝘦𝘷𝘪𝘭, 𝘙𝘩𝘪𝘯𝘰𝘤𝘦𝘳𝘰𝘴 𝘉𝘦𝘦𝘵𝘭𝘦, 𝘊𝘰𝘤𝘰𝘯𝘶𝘵 𝘓𝘦𝘢𝘧 𝘉𝘦𝘦𝘵𝘭𝘦 𝘢𝘵 𝘚𝘭𝘶𝘨 𝘊𝘢𝘵𝘦𝘳𝘱𝘪𝘭𝘭𝘢𝘳. Layunin ding bigyan sila ng mas malalim na kaalaman patungkol sa pangangalaga sa kanilang mga niyugan at maagang pagtukoy sa mga peste ng niyog.
Sa pakikipag ugnayan sa 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 ay nakatitiyak ang PCA sa suporta at tulong ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paglalagak ng pondo mula sa RA 8048 Municipal and Barangay Share para sa pagpapatupad ng iba't ibang stratehiya upang palawigin ang pagpapatupad ng IPM.
Nakiisa din ang mga magsasaka ng niyog sa nasabing kampanya at tiniyak na sila ay magiging mapagmatyag sa kanilang mga niyugan upang maiwasan ang paglala ng mga inpestasyon dulot ng mga peste at sakit ng niyog.
Nagsagawa ang PCA ng 𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐞𝐡𝐢𝐲𝐚 katulad ng 𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐞𝐬𝐞𝐭 𝐮𝐩 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐩 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐌𝐮𝐬𝐜𝐮𝐫𝐝𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐮𝐧𝐠𝐮𝐬( 𝐆𝐌𝐅) upang masugpo ang paglaganap ng 𝘙𝘩𝘪𝘯𝘰𝘤𝘦𝘳𝘰𝘴 𝘉𝘦𝘦𝘵𝘭𝘦 𝘢𝘵 𝘈𝘴𝘪𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘗𝘢𝘭𝘮 𝘞𝘦𝘦𝘷𝘪𝘭.
12/05/2026
𝗝𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚𝗦 𝗕𝗘𝗧𝗪𝗘𝗘𝗡 𝗗𝗢𝗟𝗘, 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗖𝗢𝗡𝗨𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗣𝗔𝗥𝗧𝗜𝗧𝗘 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟, 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗖𝗔 𝗤𝗜𝗜 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗛𝗘 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗢𝗖𝗢𝗡𝗨𝗧 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦
Matagumpay na isinagawa ngayong Mayo 11, 2026 ang 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐧 𝐀𝐆𝐒𝐅 𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 sa 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐂𝐚𝐛𝐮𝐲𝐚𝐨 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞, 𝐏𝐚𝐝𝐫𝐞 𝐁𝐮𝐫𝐠𝐨𝐬 𝐚𝐭 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐂𝐚𝐛𝐮𝐥𝐢𝐡𝐚𝐧, 𝐔𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, na may 𝐭𝐚𝐫𝐠𝐞𝐭 𝐧𝐚 𝟒𝟕𝟎 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 mula sa hanay ng mga magniniyog at iba’t ibang samahan ng mga magsasaka.
Ang aktibidad ay bahagi ng pinagsamang pagkilos at joint undertakings ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐚𝐛𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐎𝐋𝐄), 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐜𝐨𝐧𝐮𝐭 𝐓𝐫𝐢𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, 𝐚𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐜𝐨𝐧𝐮𝐭 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 – 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐈𝐈 (𝐏𝐂𝐀 𝐐𝐈𝐈) upang higit na mapalakas ang implementasyon ng 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 para sa mga magniniyog sa lalawigan ng Quezon.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga benepisyaryo hinggil sa 𝐀𝐆𝐒𝐅 𝐚𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 at iba pang programang makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.
Pinangunahan ang aktibidad ni Alex Estifona, Co-Chairman for Coconut ng Quezon Coconut Tripartite Council, katuwang ang DOLE Provincial Office, PCA QII, Local Government Units (LGUs), at iba pang stakeholders. Nagbigay rin ng suporta at pakikiisa ang PACSEDU sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad sa kabila ng sunod-sunod na mga gawain at programa.
Ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya at organisasyon ay patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong may malasakit, pagkakaisa, at tunay na suporta para sa sektor ng agrikultura at mga magniniyog ng Quezon.
10/05/2026
07/05/2026
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag at mas maunlad na kabuhayan para sa mga magniniyog ang naisakatuparan sa isinagawang 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐦𝐞𝐥𝐢𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐒𝐀𝐖𝐏) 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐭 sa 𝐒𝐀𝐌𝐀-𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐑𝐀𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐓𝐈-𝐏𝐔𝐑𝐏𝐎𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 na pinangunahan ng 𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐁𝐢𝐨𝐝𝐢𝐞𝐬𝐞𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐓𝐏𝐁𝐀) at 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐚𝐛𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐎𝐋𝐄) na isinagawa noong 𝐌𝐚𝐲 𝟔,𝟐𝟎𝟐𝟔 sa 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐚𝐥𝐥, 𝐓𝐚𝐠𝐤𝐚𝐰𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐫 ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐜𝐨𝐧𝐮𝐭 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐕-𝐀 na si 𝐁𝐢𝐛𝐢𝐚𝐧𝐨 𝐂. 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐢𝐛𝐢𝐝𝐨 𝐉𝐫. bilang pagpapakita ng suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang coconut at biodiesel sector.
Sa parehong pagkakataon, isinagawa rin ang 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 kasama ang iba’t ibang partner implementing agencies kabilang ang The Philippines Biodiesel Association (TPBA), Department of Labor and Employment (DOLE) .Philippine Coconut Aythority (PCA), ChemRez Technology, Agricultural Training Institute (ATI), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Local Government Unit of Tagkawan Quezon (LGU), at Farmex upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon at implementasyon ng mga programang makatutulong sa mga coconut farmers at kooperatiba sa lalawigan.
Ang pagkakaloob ng ₱𝟑 𝐌𝐢𝐥𝐥𝐢𝐨𝐧 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 sa Sama-Sama sa Kaunlaran Multi-Purpose Cooperative ay hindi lamang simpleng tulong pinansyal, kundi isang pagkilala sa dedikasyon, pagsusumikap, at kakayahan ng kooperatiba na maging katuwang sa pagpapalakas ng coconut at biodiesel industry. Ang milestone na ito ay bunga ng mahabang proseso ng pagsusuri, validation, at pagtutulungan ng pamahalaan, industriya, at mga magsasaka upang matiyak na ang benepisyo mula sa biodiesel sector ay direktang mapakikinabangan ng mga magniniyog.
Higit sa lahat, ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa patuloy na paggabay at suporta ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐜𝐨𝐧𝐮𝐭 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐈𝐈 sa pangunguna ni 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐈, 𝐁𝐞𝐥𝐞𝐧 𝐒. 𝐑𝐮𝐢𝐳, na naging mahalagang bahagi sa paghubog at pagpapatatag ng kooperatiba tungo sa matagumpay na pagkamit ng grant assistance.
Sa sama-samang pagkilos at malasakit sa sektor ng niyog, patuloy nating pinatutunayan na ang tunay na kaunlaran ay nakakamit kapag ang pamahalaan, industriya, at mga magsasaka ay nagkakaisa para sa iisang layunin.
06/05/2026
Sa gitna ng 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐢𝐭, nakipag-ugnayan ang aming tanggapan sa 𝐋𝐆𝐔 𝐋𝐨𝐩𝐞𝐳 sa pangunguna ni 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲 𝐔𝐛𝐚𝐧𝐚 𝐈𝐈, katuwang ang 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 at 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 ng 𝐋𝐨𝐩𝐞𝐳, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, upang masuportahan ang 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲-𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐝𝐢𝐥𝐢𝐠 ng humigit-kumulang 𝟏𝟎,𝟎𝟎𝟎 𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐧𝐢𝐲𝐨𝐠 sa nursery sa 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢𝐨𝐧.
Isinagawa na ang 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐠𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐝𝐢𝐥𝐢𝐠 bilang tugon sa 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐮𝐥𝐚𝐧, lalo na sa 𝐤𝐫𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐲𝐮𝐠𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚 kung saan higit na kinakailangan ang sapat na suplay ng tubig.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 upang matiyak ang 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐫𝐯𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚 na magsisilbing pundasyon ng susunod na produksyon ng niyog sa bayan.
Sa sama-samang pagkilos ng mga ahensya at komunidad, patuloy nating sinusuportahan ang mga magniniyog at pinagtitibay ang sektor ng niyugan sa harap ng mga hamon dulot ng klima.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Plaza Masaganda, Calantipayan
Lopez
4316
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |