BalibagoBiga NHS - EsP - Project RBB

BalibagoBiga NHS - EsP - Project RBB

Share

Photos from BalibagoBiga NHS - EsP - Project RBB's post 11/11/2022

Filipino-Values Month Week 1

Sinimulan na kanina ang mga gawain para sa unang linggo ng Filipino Values Month na may temang: "Paunlarin at Buhayin: Kaugaliang Pilipino tungo sa Matagumpay na Kinabukasan Natin"

Nagkaroon ng Documentary Analysis ang mga mag-aaral mula sa pangkat 7 at gumawa naman ng scrapbook ng kanilang itinuturing na kapwa ang mga mag-aaral mula sa pangkat 8.


🥰

07/11/2021

Bilang isang kabataan,mahalagang aware po tayo sa nangyayari sa ating komunidad. Makakatulong ito sa paglago ng ating sarili,bilang isang indibidwal at para na din makapagshare tayo ng ating kakayahan para makatulong sa ikauunlad nito.
-Kieyah Marie F. D***s-
Grade 9-Narra

Para po sa akin, ang kahalagahan po ng community involvement sa kabataan ay ang pag-papaunlad sa ating komunidad.
Bilang isang miyembro ng isang komunidad at bahagi ng isang lipunan mayroon akong tungkulin na makilahok sa mga bagay at kaganapan na alam kong makakatulong para sa ating pamayanan.
Mahalaga ang pakikilahok dahil ito ay nag reresulta ng aking pagkatotoo sa maraming aspeto. Napapaunlad natin ang ang ating mga sarili sa pakikilahok sa gawaing pangkomunidad.
-Maricel B. Catral-
Grade 9-Narra

07/11/2021

Ang kagandahang dulot ng nagagabayan ng magulang ay mas higit na naoobserbahan at nalalaman ang kalakasan, kahinaan,kakulangan at maari pang maitulong ng isang magulang sa kanyang anak. Ito din ay nagsisilbing bonding time ng pamilya na nagreresulta ng magandang ugnayan ng bawat isa.
- Mary Amor A. Verdadero -
Grade 8-Rose

Para po sa akin ang kagandahang dulot na nagagabayan ang anak ng mga magulang, ay ang mga kabataan o mga anak ay natuturuan ng magandang asal o kabutihang loob, at maging napupunta sa matuwid o magandang landas tungo sa kanilang mga kinabukasan. Nagdudulot din ito ng isang masaya at magandang komunikasyon sa pagitan ng isang magulang at anak, sapagkat lahat ng nilalayon ng mga magulang para sa ating mga anak tulad ng pagsunod sa utos, ay nakasalalay sa komunikasyon o relasyong ito.

Tulad kong isang anak o magaaral ay nakararanas din ako kung paano gabayan ng isang magulang at para sa akin isa ito sa pinaka magandang bagay na aking nagagawa sa pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon ko sa kanila.
- Jelian C. Ramirez -
Grade 8-Rose

07/11/2021

Kailangan po nating pangalagaan at pahalagahan ang mga hayop na nasa ating palagid dahil may buhay din po sila na kailangan ng pag aalaga natin at karapatan din po nila Ang bigyan natin sila ng halaga bilang isang nilalang o may buhay .
- Jully Ann Lucero -
Grade 10-Newton

07/11/2021

Bilang nakatatanda tungkulin namin na alagaan at protektahan ang nakababata naming kapatid.Ito ay napakahalaga dahil kami bilang mas matanda ay kailangang maging isang mabuting impluwensiya sa aming kapatid upang sa kanilang paglaki ay maging mabuti din sila.Kinakailangan ng aming paggabay katulong ng aming mga magulang upang masigurado na magiging maayos ang kanilang paglaki.Dito matutulungan namin silang mahubog ang kanilang mga sarili at magabayan sa mga gawain at ang pagdedesisyon sa kanilang paglaki.
- Angeline R. Leabres -
Grade 10 - Newton

Want your organization to be the top-listed Government Service in Lobo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Balibago
Lobo
4229