DA 4K Program-Calabarzon
26/05/2026
Matagumpay na naisagawa ang huling batch ng ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐จ๐ง ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐ข๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ noong May 21-22, 2026 sa ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ฒ๐๐จ, ๐๐๐ญ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง, ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง.
Sa loob ng dalawang araw, naging makabuluhan at masaya ang bawat sesyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at inspirasyon tungkol sa mahusay na pamumuno at strategic organizational management. Tunay na ipinakita ng bawat kalahok ang dedikasyon na maging mas epektibong lider para sa kanilang organisasyon at komunidad.
Lubos na pasasalamat sa ating mga resource speakers at katuwang:
- Mr. Nestor Roy B. Santos (Cooperative Development Specialist II | CDA)
- Hon. John B. De Imus (Municipal Councilor)
- Mr. Fil Vincent Garcia (Community Development Officer III | NCIP)
- Mr. Arvin R. Rey (Livestock Inspector/LGU AI Technician | OMA)
- Mrs. Migthell Althea P. Evangelista-Pontud (Municipal Agriculturist | MAO)
Maraming salamat din sa lahat ng participants na naging aktibo, game, at handang matuto para sa ikauunlad ng kanilang samahan at komunidad.
19/05/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐๐ง, ๐๐ญ ๐๐๐๐ซ๐ง: ๐๐๐ฏ๐๐ฅ-๐๐ฉ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ฌ
Dalawang araw na puno ng kaalaman, inspirasyon, at pagpapalakas ng liderato!
Noong ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐โ๐๐, ๐๐๐๐, matagumpay na isinagawa ang ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐จ๐ง ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐ข๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ sa ๐๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ฌ, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐, ๐๐ง๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ.
Dito, mas pinatibay ang kakayahan ng bawat kalahok sa pamumuno, mas pinatalas ang strategic thinking, at mas pinasigla ang pagkakaisa para sa mas maayos at epektibong organisasyon.
Salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at husayโsa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad, tuloy-tuloy ang pag-angat ng liderato.
15/05/2026
๐ง๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ฎ๐ป | Noong Mayo 5, 2026 ay nagsagawa ang NCIP Rizal Community Service Center (CSC) ng pagpapatuloy at pagpapabuti ng Lokal na Gabay para sa pagpili ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR). Layunin ng aktibidad na higit na mapalakas ang representasyon ng mga Indigenous Peoples sa antas ng barangay at matiyak na ang proseso ng pagpili ay naaayon sa kanilang kaugalian, pagkakaisa, at karapatan sa sariling pagpapasya.
Sa isinagawang aktibidad, aktibong nakiisa ang mga IP leaders at miyembro ng komunidad sa talakayan hinggil sa mga umiiral na alituntunin at pamamaraan sa pagpili ng IPMR. Naging makabuluhan ang pagpapalitan ng mga opinyon, suhestiyon, at rekomendasyon upang higit na mapagtibay at mapahusay ang lokal na gabay na magsisilbing batayan sa mga susunod na proseso ng pagpili ng kinatawan ng mga katutubo.
Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at kolektibong pagdedesisyon, hiningi ng mga IP leaders ang pagkakaroon pa ng karagdagang konsultasyon upang mas mapalalim ang pagtalakay sa ilang mahahalagang usapin at matiyak na ang mabubuong lokal na gabay ay sasalamin sa kapakanan at boses ng buong komunidad ng mga katutubo.
15/05/2026
๐ฟ๐ค LEADERSHIP TRAINING FOR INDIGENOUS PEOPLE (IPs)
The Leadership Training for Indigenous People (IPs) was successfully conducted in Barangay Taluong through the collaborative efforts of the DA4K Program and the Municipal Agriculture Office. This activity aimed to strengthen leadership skills, community participation, and empowerment among IP members toward sustainable community development and inclusive growth. ๐โจ
๐๐ฑ The training focused on enhancing the knowledge and capabilities of participants in the areas of:
โ Leadership and decision-making skills
โ Community organization and participation
โ Strengthening unity and collaboration among IP communities
โ Empowerment for sustainable livelihood and development initiatives
๐ค๐พ Through this initiative, participants were encouraged to become active partners in promoting progress, preserving culture, and building resilient communities for future generations.
๐โจ The Municipal Agriculture Office and DA4K Program extend their sincere gratitude to all participants, facilitators, barangay officials, and stakeholders for their active participation and support in making this activity successful.
๐ Brgy. Taluong, Polillo, Quezon
๐ฟ
๐
๐พ
๐ค
โจ
๐
12/05/2026
Matagumpay na naisagawa ang ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐จ๐ง ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐ข๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ noong ๐๐๐ฒ๐จ ๐-๐, ๐๐๐๐ sa ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ฅ๐ฎ๐จ๐ง๐ , ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง.
Isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong palakasin ang kakayahan sa pamumuno, pagpaplano, at mahusay na pamamahala ng organisasyon para sa mas maunlad at mas matatag na komunidad. ๐ก๐ค
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga resource speakers:
AMAD โ Ms. Caila C. Villegas, Agriculturist I
DTI Quezon โ Ms. Mabelle V. Samas, Business Counselor
DILG Quezon โ Ms. Djanine M. Dacillo, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO)
CDA โ Ms. Mariah Cabaneros, Cooperative Development Specialist
Sa bawat talakayan at pagbabahagi ng kaalaman, mas lalong pinagtibay ang diwa ng mahusay na pamumuno at pagkakaisa tungo sa iisang layunin โ ang patuloy na pag-unlad.
05/05/2026
๐ง๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ฎ๐ป | Bilang mahalagang bahagi ng pagpapalakas ng kakayahan sa epektibong pamamahala at pagpaplano ng mga Lupaing Ninuno, sumailalim sa pagsasanay ang mga Katutubo ng CALABARZON sa pagbabalangkas ng kanilang mga Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP)
Isa sa mga tampok na gawain ay ang pagbuo ng bisyon, misyon, layunin, at mga tunguhin o VMGO (Vision, Mission, Goals, and Objectives). Ibinahagi ng tagapagsanay na si G. Rolan B. Aldovino, Officer-in-Charge ng Office on Policy, Planning, and Research (OPPR) ng NCIP, na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na VMGO upang magsilbing gabay at direksyon ng mga katutubong pamayanan sa paghubog ng kanilang sariling kaunlaran, alinsunod sa kanilang kultura, pangangailangan, at karapatan sa lupaing ninuno. Kasabay nito, sinuri ang kasalukuyang VMGO na nakasaad sa mga ADSDPP upang matukoy ang mga aspetong maaari pang pagbutihin at paunlarin.
Kasunod nito, pinangunahan din ni G. Philip Anghag, Development and Peace-Building Consultant, ang pagsasanay sa mga katutubo hinggil sa mga pamamaraan ng pangangalap ng datos at impormasyon, gayundin sa pagsusuri ng mga ito upang matukoy ang mga suliranin at makabuo ng mga angkop na solusyong nakabatay sa ebidensya. Layunin nito na matiyak na ang mga prayoridad sa pag-unlad ay tunay na nagmumula sa mga mismong Katutubong Pamayanan. Upang mas maunawaan ang mga konseptong ito, nagbahagi si G. Anghag ng mga aktwal na karanasan hinggil sa pagbuo at implementasyon ng ADSDPP.
Upang maisabuhay ang kanilang mga natutunan sa ibaโt ibang sesyon, aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa mga workshop o palihan bilang pagsasanay sa pagbuo ng kanilang mga ADSDPP. Ang nasabing gawain ay ginanap noong April 29-30, 2026 sa Tanay, Rizal.
05/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Ang Department of Agriculture โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K Program) ay nagsagawa ng isang activity na โEnhancing Agribusiness Competitiveness Forumโ noong April 27โ30, 2026 sa Paraรฑaque City.
Layunin ng activity na ito na mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang ating mga Kababayang Katutubo na makita ang potential ng kanilang merkado para sa kanilang mga agricultural commodities. Naging pagkakataon din ito para makilala at makausap nila ang ibaโt ibang kumpanya at stakeholders, at magkaroon ng kaalaman kung ano ang mga requirements, standards, at proseso para makapasok sa mas malawak na merkado at makipag-partner sa kanila.
Nagkaroon din ng mga presentations mula sa ibaโt ibang kumpanya at stakeholders tungkol sa kanilang value chain development at kung paano mas mapapalakas ang partnership sa mga IPs. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga pangangailangan, quality standards, at ilang strategies na makakatulong hindi lamang sa paglago ng agribusiness kundi pati na rin sa pagpapalakas ng food security ng bansa.
Nagbigay din ng mensahe sina Engr. Roger V. Navarro, Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization at Rural Credit, at Jerome V. Oliveros, Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance (ODA) โ Foreign Aid/Grants. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng agribusiness sector sa pagpapatibay ng food security ng bansa at sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
Lubos na pasasalamat sa mga rehiyon na dumalo kasama ang kanilang mga kinatawan na mga Kababayang Katutubo. Pasasalamat din sa mga stakeholders na nagbigay ng kanilang oras at kaalaman kabilang ang Potato Corner, Ueshima Coffee Co., Carmen's Best, Mama Sita Foundation, Hi-Las Marketing, SEE International, PhilFoodEx, Market Reach, at PhilMaize na nagpresenta at nagbahagi ng kanilang mga programa at oportunidad para sa ating mga benepisyaryo.
01/05/2026
We deeply mourn the passing of PP Romeo B. Cruz.
His passing is a great loss to the Rotary Club of Tanay and to all who had the privilege of working alongside him. He was not only a very active and dedicated Rotarian, but also a remarkable leader and a true embodiment of Service Above Self.
PP Romeo will always be remembered as one of the pillars of the Rotary Club of Tanayโhis dedication, wisdom, and passion for service have left a lasting mark on our club and community.
His legacy will continue to guide and inspire us in all that we do.
In this time of grief, we extend our deepest condolences to his family, loved ones, and fellow Rotarians.
You will be dearly missed, PP Romeo.
May you rest in eternal peace. ๐๏ธ
01/05/2026
Sa hirap man o ginhawa, walang humpay silang nagsisikap upang mabigyang buhay at lakas ang buong bayan. ๐พ๐งโ๐พโจ
Ngayong Araw ng mga Manggagawa, ating kilalanin ang ating mga magsasaka at mga manggagawang sumusuporta sa sektor ng agrikultura. Mananatiling kasangga ang sa kanilang mga adhikain tungo sa mas matatag na seguridad ng pagkain at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa! ๐ชโจ
28/04/2026
Matagumpay na naisagawa ang ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐จ๐ง ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐ข๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ noong Abril 23โ24, 2026 sa Brgy. Sablang, General Nakar, Quezon. Sa loob ng dalawang araw, napalalim ang kaalaman sa pamumuno, napalakas ang samahan, at napahusay ang kakayahan sa estratehikong pamamahala tungo sa mas matatag at maunlad na mga organisasyon.
Lubos ang aming pasasalamat sa aming mga resource speakers at katuwang sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan:
โข G. Jan Ariel Garcia โ CSO, Agriculturist I
โข Bb. Caila C. Villegas โ AMAD, Agriculturist I
โข Bb. Ella Queen V. Aguelo โ DTI Quezon, Business Counselor
Maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa tagumpay ng gawaing ito.
Sama-sama nating itaguyod ang empowered leaders at sustainable na komunidad!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Marawoy
Lipa City
4217