PLUMA CLUB
09/02/2024
Theme:
• Anong Alam Natin Sa Pag-ibig?
Buwan na ng mga puso, STIers! Hala!😱 Teka, handa ka na bang makipag-date? mainggit? o di kaya naman ay mag spoken poetry?
Hi STIers!💙💛 Kami ang PLUMA Club at kayo ay iniimbitahan namin na makilahok at ipakita ang talento sa pag-buo ng mga makatang salita sa pamamagitan ng paggawa ng Spoken Word Poetry na may Theme na "Anong Alam Natin sa Pag-Ibig?". Basahin ang mekaniks at criteria ng patimpalak👇.
GUIDELINES
1. Bawat kalahok ay dapat na mag-aaral ng STI College Lipa (SHS and Tertiary)
2. Ang paksa ng tula ay dapat kaugnay ng tema "Anong alam natin sa pag-ibig?"
3. Ang itatanghal na spoken word poetry ay dapat tatagal lamang ng 2-4 minuto
4. Ang pagbabanggit ng ano mang hindi kaaya ayang salita o linggwahe ay mahigpit na ipinagbabawal
5. Maaaring gumamit ng sounds, instrumental o background music para sa mas madamang pagtatanghal
6. Pinaaalalahanan na ang itatanghal na script o piece ay orihinal na gawa
7. Ang itatanghal na script o piece ay kinakailangang saulado..
Ang mga nais makilahok ay mangyaring magpalista at hanapin ang Pangulo ng PLUMA (LOUISE NICOLE CARANDANG) o kaya naman ay ang Pangulo ng LEOMAP (DAILYN AQUINO).
23/01/2024
Magandang gabi ka- PLUMA!
Ating tunghayan ang ilan sa mga new year resolution na nais ibahagi ng ating mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang baitang (G12).
Makatang Pinoy: Bagong Taon, Bagong Pagkakataon
23/01/2024
Magandang gabi ka- PLUMA!
Ating tunghayan ang ilan sa mga new year resolution na nais ibahagi ng ating mga mag-aaral mula sa ika-labing isang baitang (G11).
Makatang Pinoy: Bagong Taon, Bagong Pagkakataon
Maligayang Pasko mga Ka-PLUMA!!
Para sa pagdiriwang ng kapaskuhan, halina't tunghayan ang mga bidyong inihanda para sa inyong lahat na may kantang tatak Pinoy, upang mabigyang buhay ang Original Pilipino Music.
15/12/2023
Kumusta Ka-PLUMA!
Narito na ang ating pinakahihintay!!
Itinatampok sa inyo ang sampung (10) natatanging likha mula sa apatnapu't walo na partisipante sa akitibidad na "I AM WHO I AM: WORLD BOOK DAY!"
Mekaniks sa pagtatanghal ng mananalo:
1. Ang tatanghaling panalo ay dapat matukoy sa bilang ng FACEBOOK REACTIONS na natanggap mula sa GEMS at PLUMA’s fan page.
Halimbawa: Gems + Pluma = Total number
2. Alin mang larawan ay maaaring bigyan ng reaksyon. Bawat reaksyon ay katumbas ng isang puntos (1 point)
3. Ang kabuang bilang ng reaksyon sa dalawang nasabing Club ay pagsasamahin para mapili at maitanghal ang limang (5) mananalo.
4. Ang pagbilang sa mga reaksyong makukuha ng bawat larawan ay magsisimula ngayong ika-15 ng Disyembre hanggang ika-20 ng Disyembre taong 2023 ganap na ala- singko ng hapon (5:00pm)
5. Ang anunsyo sa mga mananalo ay gaganapin sa ika- 20 ng Disyembre taong 2023.
6. Ang tatanghaling mga mananalo ay makatatanggap ng:
Rank 1-3: 8x11 photo frame and sertipiko
Rank 4 at 5: A5 photo frame and sertipiko
7. Lahat ng kalahok ay makatatanggap ng "CLUB GRADE INCENTIVE at " e-certificate"
Kung mayroon pang ibang katanungan, mangyaring magpadala ng mensahe sa page na ito. Salamat at manatiling ligtas ang lahat!
05/12/2023
Magandang umaga mga ka-PLUMA.
Paskong Kay Sayaw 2023 💃🕺. Ang aktibidad na ito ay bukas lamang para sa lahat ng miyembro ng PLUMA.
Ano pa ang hinihintay? Hataw na! 💃🕺
Ang bidyo ay ipapasa sa teams (Pluma Adviser) bago sumapit ang ika-15 ng Disyembre taong 2023.
Para sa ilan pang impormasyon, mangyaring makipag ugnayan sa ating butihing Pangulo ng PLUMA Club na si Louise Nicole Carandang.
“Ang wika ay susi at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.” – Marisol Mapula
Magandang hapon ka-PLUMA!
Ating panoorin ang mga mini-vlog na tumatalakay sa kahalagahan ng wika na inihanda ng ating mga mag-aaral mula sa ika-labing dalawang baitang (G12).
Wikang Filipino’y buhayin at pagyamanin, Ito’y sariling atin!
No copyright intended for this activity.
“Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.” – Manuel L. Quezon
Magandang hapon ka-PLUMA!
Ating panoorin ang mga mini-vlog na tumatalakay sa kahalagahan ng wika na inihanda ng ating mga mag-aaral mula sa ika-labing isang baitang (G11).
Wikang Filipino’y buhayin at pagyamanin, Ito’y sariling atin!
No copyright intended for this activity.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Lipa City
4217
Opening Hours
| Monday | 7am - 6pm |
| Tuesday | 7am - 6pm |
| Wednesday | 7am - 6pm |
| Thursday | 7am - 6pm |
| Friday | 7am - 6pm |