Misis Realtor

Misis Realtor

Share

12/06/2026

“Si Mister yung nagtatrabaho pero kay Misis ang sahod.”

May mga bahay na ganito ang setup.

Pagkasweldo…
kay misis agad.

Siya magba-budget.
Siya maglalaan para sa bills.
Siya mag-iisip kung magkano matitira.

At alam mo?
Maraming natatawa rito.
Ginagawang joke.

“Tagabigay lang si mister.”
“Kay misis pa rin punta ng pera.”

Pero gusto kong pag-usapan nang mas malalim.

Kasi minsan,
hindi issue kung sino may hawak.

Ang mabigat…
kapag isa lang ang may pressure.

Kasi isipin mo rin.

May lalaking araw-araw nagtatrabaho
na gusto lang makauwi nang hindi mabigat ang isip.

May babaeng tumatanggap ng sahod
na iniisip agad:

Kasya ba hanggang next sweldo?
Paano kapag may emergency?
May matitira pa ba?

At pareho silang may bigat.
Magkaiba lang ng dala.

Kaya minsan,
hindi rin fair sabihin na:

“Pera lang naman hawak mo.”

Kasi ang paghawak ng budget,
may kasamang responsibilidad.

May kasamang stress.
May kasamang pag-aadjust.

Pero gusto ko rin sabihin ‘to:

Hindi porket kay misis napupunta ang sahod,
wala nang pakialam si mister sa pera.

At hindi rin porket si mister kumikita,
siya lang dapat masunod.

Kasi sa healthy na partnership,
may awareness pareho.

Parehong may alam sa gastos.
Parehong may boses sa goals.
Parehong may pakialam sa future.

Sa totoo lang,
maraming relasyon ang gumagaan

kapag hindi iniisip na:

“Pera ko.”
“Pera mo.”

Mas magaan kapag:

“Pamilya natin ‘to.”
“Responsibilidad natin ‘to.”

Kasi may mga mag-asawang hindi pareho ang role,
pero pareho ang pagdadala.

At minsan, doon mas tumitibay yung samahan. 🖤

May mga usapan sa pera na simpleng setup lang sa umpisa,
pero malaking parte pala ng gaan sa bahay habang tumatagal.

Want your business to be the top-listed Home Improvement Business in Lipa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Lipa City
4217