DA-Rfo4a High Value Crops Development Program

DA-Rfo4a High Value Crops Development Program

Share

Photos from ATICalabarzon's post 25/11/2024

ATICalabarzon ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿซ๐ŸŒด

Photos from DA-Rfo4a High Value Crops Development Program's post 22/07/2023

Ang Semi-Annual Meeting ng CALABARZON Cacao Industry Association (CALABARZON Cacao) ay naisagawa nitong ika-21 ng Hulyo, 2023, sa tulong ng Department of Agriculture-High Value Crops Development Program IV-CALABARZON (DA-HVCDP 4A) na idinaos sa RNC Cacao Farm Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa ng pamunuan ng CALABARZON Cacao upang mapag-usapan ang mga hakbangin at makabuo ng mga plano upang patuloy na mapalakas ang industriya ng cacao sa rehiyon sa tulong ng Kagawaran ng Agrikultura.

Ilan sa mga dumalo sa gawaing ito ay sina Rizal HVCDP Coordinator Engr. Aldrin Albos, Tanay Municipal Agriculturist Romeo Cruz, APCO-Rizal Mary Ann Gajardo, APCO-Quezon Eduardo Lalas, Regional Cacao Focal Person Maria Ana Balmes, mga kawani ng DA-4A, at mga Provincial Cacao Focal Persons.

30/05/2023

Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga magniniyog na mag-intercrop ng kape o cacao sa kanilang niyugan upang makalikom ng mas maraming ani sa isang maliit na lupain. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusulong ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).

Kaugnay na balita -->> https://calabarzon.da.gov.ph/da-4a-namahagi-ng-suporta-sa-mga-magniniyog-sa-lalawigan-ng-quezon-intercropping-sa-puno-ng-niyog-isinulong/

Photos from DA-Rfo4a High Value Crops Development Program's post 11/11/2022

Idinaos sa ikalawang beses ang workshop ukol sa pagbuo ng Cluster Development Plan ng apat na asosasyon sa probinsya ng Batangas. Tatlo dito ay asosasyon ng maggugulay at ang isa ay sa pagmamangga, ito ay ang mga sumusunod; Southern Luzon Farmers and Traders Cooperative (SOLUFAT) sa Lipa City, San Juan United Vegetable Growers Association sa San Juan, Batangas, San Jose Farmers Federation sa San Jose, Batangas, at Batangas City Mango Growers Association sa Batangas City.

Dumalo at nagbigay ng pambungad na mensahe ni Ginang Loyola C. Bagui, DVM-City Veterinarian. Nakita din ang presensya ng OIC-APCO ng Batangas-Ginoong Michael Lalap upang magbigay ng mensahe. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga key officersโ€™ ng bawat asosasyon kasama ng mga kinatawan ng Opisina ng Pamprobinsyang Agrikultura at ng ibaโ€™t ibang munisipyo.

Pinagusapan dito ang pagtanggap ng mga asosasyon sa programang F2C2. Inilahad ng kinatawan ng AMAD ang mga naging resulta ng Enterprise Assessment na isingawa sa mga asosasyon. Samantala, inasistihan ng mga kasamahan mula sa Department of Agriculture RFO IV-A sa pangunguna ng Alternate Focal Person ng F2C2-Binibining Jhoanna Santiago katuwang ng HVCDP Focal Person sa F2C2-Ginang Maria Ana Balmes, at HVCDP Alternate Focal Person/Vegetable Focal Person-Ginang Janice Fajardo at ang ibang kasama ang mga miyembro para sa pagbuo ng kanilang plano na pinapalooban ng limang taon.

Matagumpay na natapos ang araw ng may mga nabuong plano ang apat na asosasyon sa pagtutulungan ng lahat.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Lipa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


LARES Bldg. Brgy. Maraouy
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm