Peas Simbahay

Peas Simbahay

Share

05/02/2025

Sinasabi nila na ang isang tunay na magaling na lider ay nasusukat sa impluwensyang kanyang iniwan sa mga tinuruan at ginabayan niya. At ito ay malinaw naming nasaksihan sa iyong buhay.

Ang iyong determinasyon, sipag, at tiyaga sa pag-abot ng mga kaluluwa at sa pangangaral ng Salita ng Diyos ang naging inspirasyon namin upang ipagpatuloy at isakatuparan ang vision ng Panginoon. Maraming salamat sa pag-ibig ng Diyos sa iyo, dahil sa pamamagitan mo, marami ang naakay sa tamang daan at patuloy na lumalago sa pananampalataya.

Mula sa Peas Simbahay Family, nais naming iparating ang aming taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa aming nag-iisa at pinakamamahal na Daddy Yow, Lolo Pastor, at Bishop Almonia!

Walang hanggang pasasalamat po sa inyo, sapagkat kayo ang ginamit ng Diyos upang tulungan kaming lumakad sa vision na Kanyang inilaan. Ang dating idineklara mong magkakasimbahan sa Peas ay unti-unti nang nagkakatotoo sa biyaya ng Panginoon.

Maraming salamat po sa lahat ng inyong ibinahaging aral—mga aral na habambuhay naming babaunin. Ipinapanalangin namin ang inyong patuloy na kagalingan at kalakasan upang magkasama-sama tayong maglingkod at tuparin ang kalooban ng Diyos.

Pagpalain po kayo nang higit pa ng ating Panginoon! 🎂🎉🎁🥳❤️✨️

Photos from Peas Simbahay's post 04/02/2025

Para sa ating mga kapatid na ipinagdiwang at magdidiwang ng kanilang kaarawan ngayong Pebrero, dalangin namin na maramdaman ninyo ang walang hanggang biyaya at kaluwalhatian ng Diyos. Nawa’y maging matatag na pundasyon ito sa pag-abot ng Kanyang kalooban sa inyong buhay. 🎂🎉

Photos from Peas Simbahay's post 04/02/2025

Para sa ating mga kapatid na nagdiwang ng kaarawan noong Enero, dalangin namin na maging sagana ang inyong buhay sa Kanyang walang hanggang biyaya at pag-aaruga, at nawa'y patuloy ninyong maramdaman ang Kanyang gabay at pagmamahal. 🥳✨️

Photos from Peas Simbahay's post 04/02/2025

Para sa ating mga kapatid na ipinagdiwang ang kanilang kaarawan noong Disyembre, dalangin namin ang inyong buhay ay mapuno ng Kanyang pagmamahal, lakas, at walang hanggang pagpapala—isang tunay na biyaya sa bawat hakbang ng inyong pag-unlad. 🎉🎁🎉

Photos from Peas Simbahay's post 13/01/2025

Isang linggo ng pagpapala at patunay ng kabutihan ng Diyos! Sa bawat gawain sa simbahan, naramdaman ang Kanyang pagkilos at pagmamahal sa ating lahat. Salamat sa lahat ng tumugon sa tawag ng paglilingkod – tunay na dakila ang Kanyang kabutihan! ❤️🙌🏻✨️

Photos from Peas Simbahay's post 07/01/2025

Bagong taong punong-puno ng pagmamahal at pag-asa! Walang hanggan ang ating papuri at pasasalamat sa Panginoon para sa unang gawain ng taon. Sama-sama tayong magpatuloy sa paglilingkod at pagpupuri sa Kanya! 🙌🏻❤️✨️

09/12/2024
Photos from Peas Simbahay's post 01/12/2024

Happy birthday to all November celebrants! ❤️✨️ May you continue to honor and glorify God through your lives, and may His blessings and grace abound in all that you do. 🙌🏻🤍✨️

17/11/2024

Dahil nasa ilalim na po ang ating lalawigan ng Storm Signal #2, ang nakatakdang gawain sa ngayon ay pansamantalang ipagpapaliban upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Photos from Peas Simbahay's post 16/11/2024

Bukas, sa ganap na alas-5 ng hapon, muling magtipon tayo sa ating Peas Simbahay upang sama-samang magkaisa sa pagpupuri at pagdakila sa kabanal-banalang pangalan ng Panginoon. 🙌🏻💖✨️

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Limay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Limay
Limay