OMA-Limay

OMA-Limay

Share

Photos from OMA-Limay's post 28/05/2026

𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭 (𝐅𝐢𝐬𝐡𝐂𝐀) 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

Noong Mayo 26, matagumpay na naisagawa sa Bayan ng Limay ang Regional Fisheries Compliance Audit (FishCA) Validation na pinangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Bataan at Regional Field Office III, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources – Regional Field Office III (DENR-RFOIII), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Regional Field Office III (BFAR-RFOIII) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ang FishCA ay isang mahalagang assessment tool ng DILG na layuning suriin at tiyakin ang pagsunod ng mga coastal local government units sa Philippine Fisheries Code at iba pang batas ukol sa pangangalaga at wastong pamamahala ng ating yamang dagat. Kabilang dito ang pagpapatibay ng fisheries governance, pagpapatupad ng mga ordinansa, pangangalaga sa municipal waters, at pakikiisa ng mga mangingisda at komunidad sa pagsusulong ng sustainable fisheries management.

Pinangunahan naman ng Office of the Municipal Agriculturist, sa pangunguna nina Ms. Joanne M. Dizon (FishCA Coordinator ng Limay), Mr. Joselito D. Galicia, Engr. Jeremie S. Sagrado, at Ms. Rose C. Santos, kasama ang Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC-Limay) at Seaborne-Limay, ang presentasyon ng mga ulat at programang may kaugnayan sa pangangalaga, konserbasyon, at pagpapaunlad ng yamang dagat ng bayan. Naging katuwang din sa nasabing aktibidad ang mga OJT mula sa BPSU-Abucay Campus na tumulong sa paghahanda at pagsasagawa ng validation.

Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa patuloy na suporta nina Mayor Richie Ja*on D. David, Vice Mayor Marie Grace R. David, at ng buong Sangguniang Bayan ng Limay sa mga programang naglalayong mapangalagaan ang likas-yaman at mapaunlad ang sektor ng pangisdaan sa bayan.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa ng iba’t ibang ahensya at sektor, muling naipakita ng Bayan ng Limay ang matibay nitong adhikain na maprotektahan ang ating karagatan, masuportahan ang kabuhayan ng mga mangingisda, at maisulong ang responsableng pangisdaan para sa susunod na henerasyon.

Photos from OMA-Limay's post 25/05/2026

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐒𝐩𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐍𝐞𝐮𝐭𝐞𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲

Matagumpay na naisagawa ang Spay and Neuter Program para sa ating mga alagang a*o at pusa sa Limay Multipurpose Hall sa pangunguna ng OMA-Limay katuwang ang Provincial Veterinary Office na ginanap noong Mayo 20. Naisakatuparan ang programang ito sa patuloy na suporta nina Mayor Richie Ja*on D. David, Vice Mayor Marie Grace R. David, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ang spay at neuter ay mga mahahalagang operasyong isinasagawa sa mga alagang hayop upang makatulong sa pagkontrol ng kanilang populasyon at mapanatili ang kanilang kalusugan at kapakanan.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas napapangalagaan hindi lamang ang kapakanan ng ating mga alagang hayop kundi maging ang kaligtasan at kalinisan ng ating komunidad. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang ilang sakit at mabigyan ang ating mga alaga ng mas mahaba at mas malusog na buhay.

Photos from OMA-Limay's post 25/05/2026

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐲𝐮𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐀𝐈 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐎𝐉𝐓

Kasama ang mga OJT mula sa Bataan Peninsula State University - Abucay Campus, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga serbisyong panghahayupan ng OMA-Limay sa ating bayan kung saan tampok pa rin ang Artificial Insemination (AI) para sa mga alagang hayop. Bilang bahagi ng kanilang pagsasanay, tinuruan ang mga OJT ng aktwal na proseso at wastong pamamaraan ng paglalagay ng semilya sa pamamagitan ng AI.

Ang Artificial Insemination ay isang mekanikal na proseso kung saan gumagamit ng espesyal na instrumento upang mailipat ang semilya ng lalaking hayop papunta sa inahing hayop na handa nang magbuntis. Isa itong mahalagang pamamaraan upang mapabuti ang lahi ng mga alagang hayop, mapataas ang produksyon, at makatulong sa mas maayos na pagpaparami ng mga ito.

Bukod sa pagsasagawa ng AI, nagkaroon din ng pagbibigay ng bitamina upang mapanatiling malusog at makaiwas sa asakit ang ating alagang hayop.

19/05/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐕𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

Magandang balita, mga kababayan ng Limay!

Sa pangunguna ng Office of the Municipal Agriculturist - Limay, magsasagawa po ng Libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang a*o at pusa.

📍 Lugar: Limay Multipurpose Hall
🕘 Oras: Simula 9:00 ng umaga
📅 Petsa: Mayo 20, 2026

Inaanyayahan po ang lahat ng gustong mabakunahan ang kanilang mga alagang a*o at pusa na magpunta lamang sa nasabing lugar.

📌 Paalala:
• Ang alagang a*o o pusa ay dapat tatlong (3) buwang gulang pataas.
• Dapat ay malusog ang alagang hayop.
• Para sa mga bagong panganak, dapat ay dilat na ang kanilang mga anak bago pabakunahan ang ina.

Maraming salamat po!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Limay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Limay
2103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm