Albay Movement Against Corruption
11/05/2026
30/04/2026
PRESS STATEMENT
Albay Movement Against Corruption (AMAC)
Araw ng Manggagawa 2026
Ngayong Mayo Uno, malinaw: hindi lang krisis sa presyo ang kinakaharap ng manggagawang Pilipino, kundi krisis ng korapsyon.
Sa gitna ng digmaan sa ibang bansa na nagpapataas sa presyo ng langis, sumasabay ang pagtaas ng gasolina, diesel, at lahat ng bilihin. Ngunit hindi sapat na isisi ito sa global events. Ang tunay na tanong: nasaan ang pondo ng bayan? Nasaan ang agarang tugon ng gobyerno?
Habang naghihirap ang manggagawa, patuloy ang pag-aaksaya at kapabayaan sa pondo, isang tahimik ngunit matinding anyo ng korapsyon.
Ngayong Araw ng Manggagawa, nananawagan ang AMAC:
• Itigil ang korapsyon at tiyakin ang transparency sa paggamit ng pondo lalo na sa panahon ng krisis
• Ipatupad ang makatarungang sahod na tumutugon sa tunay na halaga ng pamumuhay
• Palakasin ang suporta sa sektor ng transportasyon at agrikultura
• I-review ang mga polisiya sa langis at buwis na nagpapabigat sa mamamayan
Ang laban ng manggagawa ay laban ng buong bayan.
At ang laban kontra korapsyon ay laban para sa kinabukasan.
Sa Mayo Uno, hindi lang tayo magmamartsa. Maniningil tayo.
PANAGUTIN ANG MGA NAGPAPAHIRAP SA BAYAN.
IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MANGGAGAWA.
18/04/2026
ALBAY MOVEMENT AGAINST CORRUPTION
PRESS STATEMENT
April 18, 2026
PANAGUTIN AT IKULONG ANG MGA KURAKOT!
Mariing kinokondena ng AMAC ang malawakang korapsyon na kinasasangkutan ng dating AKB Partylist Representative na si Elizaldy “Zaldy” S. Co, na kamakailan lamang ay naaresto sa Prague, Czech Republic matapos tangkaing makapasok sa Europe nang walang tamang dokumento.
Ayon sa mga ulat, si Co ay isa sa mga pangunahing suspek sa bilyon-bilyong piso na anomalya kaugnay ng mga flood control projects—mga proyektong dapat sana’y nagligtas sa mamamayan, ngunit naging simbolo ng pandarambong, kapabayaan, at sistematikong pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Matatandaan na si Co ay nagbitiw sa kanyang posisyon noong 2025 matapos madawit sa mga alegasyon ng graft at malversation, at kalaunan ay tinugis ng batas bilang isang fugitive.
Para sa AMAC, malinaw ang mensahe:
Hindi sapat ang pagkakahuli, dapat siyang panagutin at ikulong!
Hindi rin dapat dito magtapos ang laban. Ang kaso ni Co ay hindi isolated incident. Ito ay bahagi ng mas malalim na sakit ng ating sistema, kung saan ang pondo ng bayan ay ginagawang personal na kayamanan ng iilan, habang ang masa ay patuloy na naghihirap.
Kaya naman nananawagan ang AMAC:
~Ibalik ang lahat ng ninakaw na pondo ng bayan
~Panagutin ang lahat ng kasabwat, mapa-opisyal man o pribadong indibidwal
~Siguruhing walang “special treatment” sa proseso ng hustisya
Sa gitna ng galit at pagkadismaya ng mamamayan, ang hustisya ay hindi dapat maging selective. Hindi dapat ito para lamang sa mahihirap, dapat pantay, dapat totoo.
Ang laban kontra korapsyon ay laban ng buong sambayanan.
LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
PANAGUTIN, IKULONG ANG MGA KURAKOT!
25/02/2026
DIBUHO | Wala sa bukid ang tunay na mga peste
ni: James Tumaliuan, Insight PH
25/02/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Legazpi