Muskape Reflections
21/07/2025
🫖 Muskape Reflections
"Kapag punô na ng gawain ang puso, nakakalimutan natin kung para kanino ba talaga lahat ng ito."
Sobrang dami nating ginagawa—
gawain sa bahay, trabaho, deadlines, pag-aasikaso sa pamilya, pati sa simbahan.
Parang araw-araw tayong si Martha: pagod, laging nagmamadali, at halos wala nang time makinig.
Pero si Jesus, hindi naman galit.
Gusto lang Niya tayong anyayahan—tahimik na umupo, makinig, at makapiling Siya, gaya ni Maria.
Hindi kailangan matapos lahat ngayon. Hindi mo kailangang solohin lahat.
Minsan, pahinga rin ang kailangan para maalala kung sino ba ang dahilan ng lahat ng ginagawa natin.
☕ Slow and sacred Mondays are holy too.
🙏🕊
19/06/2025
"Ang Baliw sa Gubat ng Eloria"🦄
Muskape Reflections #1 Mad Unicorn Edition
Sabi nila, baliw daw siya.
Yung unicorn na hindi kasing-kinang ng iba.
Yung tumatawa mag-isa, nagsasalita sa hangin,
at piniling manatili sa gubat imbes na sumama sa uso.
Pero sa totoo lang....
Hindi siya baliw.
Napagod lang siyang magpanggap.
Pinili niyang maniwala sa kabutihan kahit paulit-ulit siyang niloko.
Pinili niyang maging totoo kahit natawag siyang "weird", "emo", "OA", o "too much".
Isang araw, may nawawalang kaluluwa, -si Lior ang naligaw sa gubat.
Wasak, pagod, at ubos.
At doon niya nakita ang "baliw" na ni unicorn.
Hindi siya tinulungan ng lecture.
Hindi siya pinilit magbago.
Pinatawa lang siya. Pinakinggan. Niyakap sa katahimikan.
At unti-unti, gumaling si Lior.
Hindi dahil sa milagro--
Kundi dahil may isang nilalang na hindi natakot sa sakit niya.
Kaya tanong ko sa'yo ngayon:
Baliw ka ba, o ikaw lang ang naglalakas-loob magmahal sa panahong uso ang manakit?
Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa mundo na hindi handang unawain ka.
Minsan, ang "kabaliwan" mo ang kalayaan ng iba.
🌙 Sa mga unicorn sa mundong ito na piniling magmahal pa rin - ito ang yakap ng Eloria para sa inyo.
13/06/2025
"There’s something sacred in slow mornings.”
☕🌿
Sa init ng araw, pumapawi ang bigat ng kahapon.
Isang tasa ng kape, pahinga sa tahimik, at kaunting pagninilay—sapat na para namnamin ang timpla ng buhay.
☕💛
28/03/2024
MusRelief
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Address
Rawis
Legazpi