The Mentor - BUCE

The Mentor - BUCE

Share

12/06/2026

๐“๐”๐‹๐€ | ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฒ๐š

Ang bakas ng nakaraanโ€”ang hirap at pagdurusa,
Hindi lamang ng bansa, kundi maging ng puso't diwa.
Ang kamay na may bahid ng dugong ipinanata,
Bayang naging saksi sa sakripisyo upang makamit ang laya.

Isinatinig ang daing at ipinaglaban ang karapatan sa Pugad Lawin,
Alumpihit ng isang makata, ang pagkakakulong ay di kayang tanawin.
Sa karimlang likha ng hukom, kung saan hustisya'y malalim na inilibing,
Pillipino ang naghirap, kaya't Pilipino rin ang dapat magsalita at dinggin.

Hindi lamang bansa, kundi pati na ang ating pagkatao,
Reporma, pagkakakilanlan, at pagkakaisa nang totoo.
Sa kulay, sukat, at kasarian, nararapat pa rin na tayo'y malaya.
Hanggang konsensya'y malinis, huwag padadaig sa mapanirang salita.

Kalayaan ng pagtanggap ay kalayaan din ng bayan,
Maging dugo man ay berde o taliwas sa nakasanayan ng karamihan.
Iisa ang lahi, iisa ang pinagmulan, at iisa ang pinaglalaban.
Sapagkat sa pagtatapos ng araw, iisa lamang ang bayang ating kinasadlakan. | ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜”๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ฉ ๐˜‘๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜‰๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ, ๐˜“๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜ž๐˜ณ๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ

๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ค๐˜ด ๐˜ฃ๐˜บ
๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ฐ, ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ

๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ฃ๐˜บ
๐˜‘๐˜ˆ ๐˜™๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ, ๐˜“๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Legazpi