CG Nursing Service Sub-Unit Bicol
26/05/2026
𝐒𝐀𝐋𝐔𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐃𝐄𝐃𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍! 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐃𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘.
Isang inspirasyon si Mr. Sundy D. Namoro, 47 taong gulang, isang mangingisda at tauhan ng isang beach resort sa Paracale, Camarines Norte. Bagama’t putol ang kanyang mga kamay, hindi ito naging hadlang upang matuto at magkaroon ng kaalaman sa pagsagip ng buhay.
Kabilang siya sa mga partisipante ng 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 (𝐁𝐋𝐒) 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 na isinagawa sa ilalim ng pangunguna ng 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝 𝐍𝐮𝐫𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐒𝐮𝐛-𝐔𝐧𝐢𝐭 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 noong 16–17 May 2026 sa Brgy. Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte. Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng Program of Instruction (POI) ng Lifeguard Training na kinakailangang pagdaanan ng mga kalahok.
Ang pagsasanay ay nakatuon sa pagbibigay sa mga kalahok ng mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga life-saving interventions tulad ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) gamit ang Automated External Defibrillator (AED), rescue breathing management, at pamamahala ng Foreign Body Airway Obstruction (FBAO).
Pinatunayan ni Mr. Namoro na walang pinipiling edad, pisikal na kondisyon, o sitwasyon ang kagustuhang makatulong sa kapwa. Ang pag-aaral ng Basic Life Support ay hindi lamang isang kasanayan, kundi isang mahalagang responsibilidad na maaaring makapagsalba ng buhay ng ating pamilya, kaibigan, at komunidad.
Sabi nga nila, “Not all heroes wear capes.” Minsan, ang tunay na bayani ay ang mga taong patuloy na lumalaban at nagsisikap matuto kahit hindi madali ang kanilang kalagayan.
Ang ipinakitang determinasyon ni Mr. Namoro ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa marami. Patunay na kapag may puso kang maglingkod, walang anumang hadlang ang makakapigil sa iyo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Government Center Rawis Legazpi City Albay
Legazpi
4500