DWLB 89.7 FM PAGE

DWLB 89.7 FM PAGE

Share

08/06/2026

𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐈𝐓𝐄𝐌: NATIONAL ID

Sa kung sino man ang nakapulot o nakakita ng nawawalang NATIONAL ID na pagmamay-ari ni Ms. Rosalie Abriol
Ayon sa ulat, ito ay maaaring nahulog June 7, 2026 sa Labo Sports Complex.

Sa sinumang nakapulot o nakakita, maaaring makipag-ugnayan mismo sa may-ari o magtungo sa himpilan ng DWLB FM Radio Station, 3rd Floor, Labo Municipal Building.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa.

Photos from DWLB 89.7 FM PAGE's post 08/06/2026

📌𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝐌𝐚𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐦𝐮𝐬𝐚𝐥. ❤❤❤

07/06/2026

𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐈𝐓𝐄𝐌: 𝐏𝐖𝐃 𝐈𝐃

Sa kung sino man ang nakapulot o nakakita ng nawawalang PWD ID na pagmamay-ari ni Mrs. Eva M. Raviz.

Ayon sa ulat, ito ay maaaring nahulog bandang alas 6:00 ng gabi matapos bumiyahe mula Puregold at dumaan patungong Bautista (bilihan ng Ilocos empanada).

Napansin na lamang na nawawala ang naturang coin purse ng kapain ang bulsa ng short.

Nahanap pa ang coin purse, ngunit ang PWD ID ay wala roon.

Sa sinumang nakapulot o nakakita, maaaring makipag-ugnayan mismo sa may-ari o magtungo sa himpilan ng DWLB FM Radio Station, 3rd Floor, Labo Municipal Building.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa.

Photos from DWLB 89.7 FM PAGE's post 07/06/2026

PAYOUT OF FUEL SUBSIDY

June 7, 2026 | 8:00AM
Labo Sports Complex
|| Labo Camarines Norte

- POBALATODA

📸RP56

Photos from DWLB 89.7 FM PAGE's post 06/06/2026

𝐋𝐆𝐔 𝐋𝐀𝐁𝐎, 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐈𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝟏,𝟐𝟖𝟗 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋; 𝟐𝟑𝟎, 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐁𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍!

Patuloy ang pagbibigay ng suporta ng Local Government Unit of Labo sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bayan. Isinagawa ang programa katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Elisa Capistrano.

Batay sa paunang ulat mula sa aktuwal na distribusyon, umabot na sa 230 mag-aaral ang unang nakatanggap ng school supplies mula sa kabuuang 1,289 target beneficiaries. Kabilang sa mga nabigyan ay mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Intermediate levels na bahagi ng unang batch ng pamamahagi.

Ayon kay Mayor Jojo Francisco, patuloy na isinusulong ng pamahalaang bayan ang mga programang naglalayong suportahan ang kabataan at mapagaan ang pasanin ng mga magulang, kasabay ng pagpapalakas ng access sa dekalidad na edukasyon sa bayan.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang pamamahagi hanggang sa makumpleto ang target na bilang ng mga benepisyaryo, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa kapakanan at kinabukasan ng mga mag-aaral sa Labo.

Want your business to be the top-listed Media Company in Labo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


LABO CAMARINES NORTE
Labo
4604