DepEd Talobatib High School

DepEd Talobatib High School

Share

15/07/2026

Align with the latest branding standards and guidelines set by the Department of Education through DepEd Order No. 007, s. 2026, we are officially renaming our page from Talobatib High School-301923 to DepEd Talobatib High School.

This change strengthens our institutional identity and ensures a unified online presence across all DepEd offices and public schools. This step ensures consistent and professional official communication with our community.

06/07/2026

πŸ“’ ANUNSYO

Alinsunod sa Memorandum ng Schools Division Office of Camarines Norte ukol sa pagpapaigting ng pagbabantay at pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad kaugnay ng mga naiulat na banta sa mga paaralan, ang Talobatib High School ay magsasagawa ng mas mahigpit na security measures simula Hulyo 7, 2026.

βœ… Lahat ng bisita na papasok sa paaralan ay kinakailangang magtala sa logbook at kumuha ng Visitors Pass. Kinakailangan ding mag-iwan ng isang (1) valid ID at ilagay ang kanilang pangalan, layunin ng pagbisita, at opisina o taong pupuntahan. Bilang karagdagang hakbang sa seguridad, lahat ng papasok sa paaralan ay sasailalim sa security screening gamit ang hand-held metal detector.

βœ… Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng armas, patalim, baril, paputok, ilegal na droga, v**e, alak, at iba pang bagay na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng mga mag-aaral, kawani, at mga bisita.

🚨Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, magkakaroon ng presensya ng mga miyembro ng Philippine National Police at mga Barangay Tanod sa loob at paligid ng paaralan. Hinihikayat din ang lahat na maging mapagmatyag at agad na iulat sa pamunuan ng paaralan o sa kinauukulang awtoridad ang anumang kahina-hinalang tao, bagay, o pangyayari.

Para sa mga katanungan o agarang pag-uulat, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:

πŸ“ž Talobatib High School: 09499929906
πŸ“ž PNP Labo: 09985985957

Ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat isa ay mahalaga. Inaasahan ang buong kooperasyon at pakikiisa ng lahat upang mapanatiling ligtas, maayos, at kaaya-aya ang kapaligiran ng ating paaralan. Maraming salamat po. πŸ›‘οΈπŸ«

– Pamunuan ng Talobatib High School - 301923

Want your organization to be the top-listed Government Service in Labo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Taloba
Labo
4604