DXCM AM RADYO UKAY
09/07/2026
09/07/2026
Drug dealer tepok sa police operation sa Maguindanao del Sur
Isang dealer ng shabu na kilalang konektado sa mga nalalabing miyembro ng nabuwag ng dalawang teroristang grupo ang napatay ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Limpongo sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules, July 8.
Kinumpirma nitong Huwebes ng mga ranking officials ng mga intelligence units ng 601st Infantry Brigade at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na ang nasawing si Rahim Antipolo Upam ay nagbibigay ng parte ng kanyang kita sa mga nalalabi pang mga miyembro ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nagtatago sa Datu Hoffer at mga karatig na bayan sa Maguindanao del Sur.
Sa mga hiwalay na ulat ng mga local executives at mga officials ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, aarestuhin na sana si Upam ng mga pulis na kanyang nabentahan ng shabu dalawang sachet ng shabu mismo sa kanyang tirahan sa isang lugar sa Barangay Limpongo ngunit bigla itong naglabas ng pistol kaya siya nabaril ng isa sa kanila.
Magkatuwang na nailatag ang naturang entrapment operation ng Datu Hofer Municipal Police Station, sa pangunguna ni Capt. Beatriz Taeza, at nila Lt. Col. Erwin Tabora, force commander ng Provincial Mobile Force Company, at ng kanyang mga tauhan batay sa ulat ng mga barangay officials hinggil sa pagbebenta ng suspect ng shabu sa mga liblib na mga barangays sa probinsya ng Maguindanao del Sur.
Nadeklarang dead on arrival si Upam ng manggagamot na si Kevin Sinangote sa Bangsamoro Regional Medical Center sa hindi kalayuang bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur kung saan siya dinala ng mga pulis at mga barangay emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Maliban sa dalawang mga sachet ng shabu, nakumpiska din ng mga pulis sa naturang entrapment operation ang isang shotgun, isang .38 caliber revolver na pag-aari ni Upam.
Ayon sa mga officials ng 6th ID may apat na mga kamag-anak si Upam na miyembro ng Dawlah Islamiya na sumuko sa 38th Infantry Battalion sa isang seremonyang ginanap sa Barangay Buayan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nito lang nakalipas na June 21. (July 9, 2026)
06/07/2026
Isa na namang teacher sa BARMM nasawi sa pamamaril
Isa na namang g**o sa Bangsamoro region ang napatay sa pamamaril nitong gabi ng Huwebes, July 2, binaril sa ulo ng .45 caliber pistol ng lalaking salarin na mabilis na nakatakas.
Sa ulat nitong Biyernes ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nakatayo lang sa gilid ng highway sa Sitio Kurbada sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang school teacher sa isang paaralan sa Cotabato City na si Evangeline Pantorilla Abdullah ng lapitan ng isang lalaki at binaril sa ulo na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Ang walang awang pagpaslang sa may asawa at mga anak na si Abdullah, residente ng Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, ay kasunod ng pagkasawi ni public school teacher Hapipa Saripada Macadato sa isang ambush sa Barangay Lamin sa Malabang sa Lanao del Sur nito lang Sabado ng nakalipas na linggo, June 27.
Agad na namatay sa mga tama ng mga bala si Macadato habang sakay ng tricycle na nakabuntot sa isang pick-up truck na parehong niratrat ng mga assault rifles ng armadong grupo na noon ay nakaabang sa kanila sa naturang lugar. Isang sundalong sakay ng pick-up truck, si Army Cpl. Jayson Castro ng 64th Infantry Battalion, ang nasawi din sa insidente.
Ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, kung saan napatay si Abdullah, at ang Lanao del Sur, kung saan nasawi sa ambush si Macadato ay nasa teritoryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mas kilala bilang BARMM.
Ayon kay Salanguit at kay Major Katherine Paydoen, hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, nangako ng tulong ang mga barangay officials sa Awang sa ginagawang imbestigasyon na naglalayong makilala ang pumatay kay Abdullah upang masampahan ng kaukulang kaso. (JULY 3, 2026)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
ELA BUILDING QUEZON Boulevard
Kidapawan
9400